^

Pang Movies

Bianca malapit nang mauwi sa hubaran?!

Vir Gonzales - Pang-masa
Bianca malapit nang mauwi sa hubaran?!
Bianca

MANILA, Philippines — Teka, speaking, hindi ba’t laking lola rin ang young actress na si Bianca Umali? Nagsimula siya bilang child actress. Doon pa lang ay kasama niya na si Miguel Tanfelix. Pero bakit parang nag-iba na ang ihip ng hangin sa kanya? dati ay simpleng dalaga lang siya, pero ngayon parang ibinabalandra niya na ang kanyang katawan. Madalas na siyang mag-post ng bikini photos na pinaglalawayan naman ngayon ng mga kalalakihan.

Nakakahinayang naman kung mauuwi lang din siya sa hubaran.

Christian nasuntok si Martin sa ginawa kay Alden

Nasuntok ni Christian Vasquez ang anak niyang si Martin del Rosario sa seryeng The Gift. Nalaman na kasi nito ang ginawa ng anak kay Sep na ginagampanan ni Alden Richards.

Pinabugbog ni Martin si Alden sa mga tropa, pero ang tanong ng viewers, papaano nagkaroon ng sugat sa bibig si Martin noong mga panahong pinagtutulungan nila si Alden gayung bulag na ang karakter nito? imposible naman daw na nakaya pa nitong makipagsuntukan.

Samantala, lolang-lola naman ang feeling ni Elizabeth Oropesa kapag daw kasama niya si Alden. Kinilig naman ito nang bigyan ng aktor ng isang equadorian roses.

Problema ng mga Barretto sila lang ang makakaayos

May nakakuwentuhan kami sa isang event. Sinasabi nila na sana raw ay matuldukan na ang awayan ng Barretto sisters dahil hindi magandang tignan. Lalo na at ibinobrodkast pa nila ito sa media.

Nakakaumay na raw ang mga pasaring nila sa isa’t isa. Dapat daw ay nagtutulungan sila dahil silang magkakapatid lang din ang magtutulungan bandang huli.

Wala naman daw sa kultura nating mga Pilipino ang siraan sa pamilya, kaya dapat daw ay sila ang umayos nito at hindi ang ibang tao.

Maligayang kaarawan…

Birthday greetings sa mga November born celebrants na sina Robin Padilla, Gabby Concepcion, Gelli De Belen, Edwin Mangulabnan, Nelia Inoncillo, Bong Inoncillo, Ariel Ureta, Blessie Cererra, Ricci Reyes, Arjo Atayde, Bong Osorio, Deo Endrinal at Anthony Solis.

vuukle comment

BIANCA UMALI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with