^

Pang Movies

Janine at Rayver open na!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Janine at Rayver open na!
Janine at Rayver

Ay, naku, Ateng Salve, sayang at hindi ka nakapunta sa special screening ng Babae at Baril movie ni Janine Gutierrez the other night sa Gateway Cinema sa Araneta City, Cubao, Quezon City, sana nasaksihan mo kung gaano ka-supportive sa kanya ang sinasabing boyfriend na si Rayver Cruz.

Ang bongga lang ni Rayver dahil kahit noong nag-Europe si Janine, nag-join siya, hanggang sa special screening ng Babae at Baril ay nag-join din siya.

In fairness, alam ni Janine na nag-invite ng entertainment press ang manager niyang si Leo Dominguez para sa special screening ng Babae at Baril, pero isinama pa rin niya si Rayver, huh!

So, safe to say na kaya na willing na silang maging open sa tunay na estado ng kanilang relasyon?

Baka!

Anyway, pinuri ang akting ni Janine ng mga nanood ng special screening ng Babae at Baril.

Deserving daw talaga na nag-best actress siya sa QCinema 2019 Film Festival para sa nasabing pelikula.

Ang bongga!

Female personality na may personal issues, nakikisawsaw na sa problema ng iba!

I just wonder — naka-recover na kaya ang female showbiz personality na ito sa personal issues niya?

According to her friends kasi, sobrang naapektuhan si female showbiz personality nang ma-discover ang ginawa ng lalaking pinakamamahal niya sa isa pang taong sobrang precious sa kanya.

Actually, nahabag kay female showbiz personality ang mga taong nakakaalam ng istoryang ‘yon.

Sobra nga raw kasing ikina-depress ‘yon ni female showbiz personality.

Pero ngayon naman ay sumasawsaw na siya sa mga issue na hindi naman siya directly involved at wala naman siya nang mangyari, kaya baka nga naka-recover na siya.

Eh, nakikialam na siya sa ibang mga bagay, so, baka naman tapos na siya sa personal issues niya.

O, baka naman ang pakikisawsaw sa ibang mga issue ang paraan niya para makalimutan ang personal issues niya?

What do you think, Ateng Salve?

Deadmadela ka lang? Hahaha!

Cindy Miranda first time nakipaglaplapan sa kabaro

Noong birthday celebration ni Annabelle Rama some weeks back, isa sa mga bisita ay si Cindy Miranda.

Sa table namin, nagkatsikahan sina Bisaya at Cindy at bumaling sa amin ang Gutierrez matriarch.

“May launching movie pala si Cindy, isulat naman ninyo!” sey ni Bisaya.

Ang launching movie na sinasabi ni Bisaya ay ang Adan ng Viva Films at Aliud Entertainment.

Wow, mukhang proud na proud si Cindy sa kanyang Adan movie kahit nga sinasabing katomboyan ‘yon dahil may steamy love scenes sila ni Rhen Escaño.

Bongga nga raw ang halikan scene sa Adan nina Cindy at Rhen kahit nga sinasabi ng una na never siyang nagkaroon ng relasyon sa isang tomboy.

Sa isang tsika ni Cindy ay inaming may tomboy na nanligaw na sa kanya, pero sinabihan daw niya ito na straight siya.

Sa Adan movie nga raw first time niyang nakipaghalikan sa kapwa niya babae.

Anyway, sa November 20 na ang showing ng Adan at kung curious kayo kung ano pang mga pinaggagagawa nina Cindy at Rhen sa pelikulang ‘yon ay watch na lang kayo, huh!

‘Yun na!

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

RAYVER CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with