^

Pang Movies

Kisses gustong mag-explore, magiging Kapuso na!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Wala na sa pangangalaga ng Star Magic ang Pinoy Big Brother Lucky 7 Second Big Placer na si Kisses Delavin at lumipat na sa Triple A Talent Management, ang talent management arm ng APT Entertainment.

Kahapon ay nagkaroon ng announcement/contract signing si Kisses sa Triple A with bosses Mike Tuviera and Rams David na ginanap sa Sequioa Hotel.

Sa panayam kay Kisses, of course, ang unang tanong ay kung bakit siya umalis sa Star Magic at ano ang nagbunsod sa kanyang lumipat sa Triple A.

“I just wanted to explore more opportunities pero at the end of the day, I’m always thankful for everything that I achieved through the help of PBB (Pinoy Big Brother) where I started,” pahayag ni Kisses.

When asked kung paano ang naging proseso ng kanyang pamamaalam sa Star Magic, ayon sa dalaga ay nagpaalam daw siya formally at naging maayos naman daw ang kanyang pamamaalam.

“Nag-wait po ako na matapos first ang contract bago mag-sign ng another one. And then, personally po, pumunta ako sa office ng Star Magic and ng everyone, from the higher boss and to all the staff na nakasama ko, pinasalamatan ko po sila and gusto ko pong sabihin sa kanila na no matter what, I’m always thankful for them,” she said.

Kung paano siya lumipat sa Triple A, ani Kisses ay ito raw ay dahil kay Marian Rivera.

“Na-meet ko po si tito Rams through Ate Marian before. Nagkita po kami sa Guillermo Awards and then, nagkita rin po kami sa fashion show. And ‘yun. I just felt that he genuinely cares for me and naisipan ko po na maganda po ‘yung APT,” ani Kisses.

Inanunsyo rin ni direk Mike na may tatlong pelikulang gagawin si Kisses sa APT Entertainment for 2020. Ang isa ay romantic-comedy, one is a family ensemble drama at ang isa naman ay heavy drama. Hanggang dito na lang daw muna ang pwedeng i-reveal at hindi pa puwedeng sabihin ang iba pang detalye.

Sa TV naman, ayon kay Rams ay nabanggit na raw niya sa GMA 7 si Kisses at gusto raw itong ma-meet ng mga bosses at makausap soon. So, abangan na lang daw natin kung ano ang susunod na kaganapan.

Nilinaw din ni Rams na naging maganda at maayos ang paglipat ni Kisses at siniguro nilang tapos na ang kontrata nito sa Star Magic bago sila nagkaroon ng pag-uusap ng young actress at ng pamilya nito.

“We made sure na maayos ang pagpapaalam nila sa ABS-CBN because we respect’s contract and their talents and the management. Importante ‘yung respeto sa samahan lalo na sa industry,” pahayag ni Rams.

Louise naka-relate sa IM episode

Five months pa lang namamayapa ang ina ni Louise delos Reyes kaya naman ramdam na ramdam pa niya ang sakit nito lalo na nga nang mag-taping siya ng Ipaglaban Mo na ipalalabas ngayong Sabado, Nov. 9, pagkatapos ng It’s Showtime.

Ginagampanan ni Louise sa episode titled na Legal na Ina ang papel na young mom ng kanyang kapatid. Medyo kakaiba ang kwento nito na inampon nila ng asawa (played by Yves Flores) ang kanyang bunsong kapatid since hindi na ito kayang alagaan ng kanyang ina.

Mahal na mahal ng karakter ni Louise na si Amanda ang bata at ang naging peg daw niya para magampanan ang kanyang role ay ang yumaong ina.

Mula sa direksyon ni Chiqui Lacsamana, kasama rin sa IM episode sina Jaycee Parker at Jeric Raval.

vuukle comment

KISSES DELAVIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with