^

Pang Movies

Mga Pinoy sa Rome interesado kina Vice at Ion

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Mga Pinoy sa Rome interesado kina Vice at Ion
Vice Ganda n

Ang bongga rin ng ASAP Natin ‘To in Rome dahil habang nasa Milan, Italy ako kahapon ay ilang mga kababayan natin doon ang nakatsikahan ko at manonood nga raw sila ng nasabing show on November 16.

Actually, ilang friends ko around Europe ang pupunta sa Rome para sa event ng ASAP Natin ‘To.

Ang bongga talaga ng TFC (The Filipino Channel) kapag nagpa-event.

May ibang friends ko na pupunta roon para makita si Vice Ganda na isa sa special guests.

Tanong nga ng kaibigan ko, “Isasama kaya ni Vice si Ion?”

Well, mas kinilig pa kina Vice at Ion ang mga tao after na aminin nila ang tungkol sa kanilang relasyon. Actually, noon pa naman kasi buking ang relasyon nila.

Mga kaibigan talaga nila ang nagbubuking tungkol doon.

Pati ‘yung tungkol sa nagli-live-in sila sa bahay ni Vice, na noong 10th anniversary presscon ng It’s Showtime ay ikinaila nila ay mga taong malalapit sa TV host/comedian ang nagbuking.

Naaliw nga ako sa isang close kay Vice dahil nang tanungin ko ang Unkabogable star tungkol doon ay nag-worry ito na baka sa kanya magalit si Vice dahil close ako sa kanya.

Baka raw kasi siya ang mapagbintangan ni Vice.

Well, ngayon namang umamin na sina Vice at Ion ay puwede na silang maging open sa lahat ng mga bagay na tungkol sa kanila.

Naku, kung sina James Reid at Nadine Lustre nga ay very open sa live-in status nila, ‘noh?!

Ay, Ateng Salve, nakaka-relate ka ba?

Ang bongga!

Mariel rumarampa-rampa na sa NY!

Sayang at nasa New York si Mariel de Leon, for sure, kung nandirito lang siya sa bansa ay a-attend siya sa premiere night ng Barbara Reimagined digital movie nila nina Nathalie Hart at JC de Vera on November 8, 5:00PM sa Trinoma Cinema 4.

Actually, mahilig sa horror movies si Mariel, pero kahit nasa New York naman siya, mapapanood niya ‘yon sa iWant.

Sa iWant kasi ipapalabas ang Barbara Reima­gined (puwede ba ang iWant App abroad?).

Anyway, the last time nga pala na katsikahan ko si Mariel ay nabanggit niyang medyo nakakapag-adjust na siya sa New York.

Madalas din naman kasi siya roon.

Sa ngayon, naghahanap pa rin siya ng sari­ling flat niya dahil nakatira siya sa kanyang Kuya Gabriel at sa wife nito.

Alam mo ba, Ateng Salve, bago umalis ng Philippines noong October 21 si Mariel ay kaliwa’t kanan ang despedida events sa kanya ng mga kaibigan.

Nakita ko nga na kasama roon ang boyfriend niyang si Eric Luz.

May nakita rin ako na post ang boyfriend ni Mariel na miss na niya ang beauty queen/actress.

I’m sure, dadalawin kaagad ni Eric si Mariel sa New York.

‘Yun na!

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with