^

Pang Movies

Gretchen hindi pa nagpaparamdam sa ama

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Gretchen hindi pa nagpaparamdam sa ama

Mahigit na dalawang linggo matapos na siya ay isugod sa ospital, binawian na rin ng buhay si Miguel Alvir Barretto, ang tatay nina Marjorie, Gretchen at Claudine Barretto noong Martes ng hapon. Siya ay 82.

Yumao si Mr. Barretto na kapiling ang halos lahat ng kanyang mga mahal sa buhay.

Actually nagse-celebrate sila ng kanyang birthday noong September 29, at matapos niyang hipan ang kandila sa kanyang cake ay nagpahinga muna siya at nakaidlip. Nang magising siya ay iba na ang kanyang kalagayan kaya mabilis siyang isinugod sa ospital.

Wala namang sinabing dahilan ang kanyang mga anak, maliban sa paghingi lamang ng panalangin para sa kanya, dahil sinasabi nila noon pa man na masama ang kanyang lagay.

Siya ay nasa ICU ng kanilang napiling ospital, na hindi naman nila sinabi kung saan para mapanatili ang kanilang privacy.

Hanggang noong Martes nga ng hapon, nang mag-post si Claudine sa kanyang social media account ng malungkot na balitang pumanaw na ang kanilang ama. Wala pa ring announcement kung saan ang burol at paglilibing kay Mr. Barretto habang sinusulat namin ito.

Bago namatay, nasabi pa umano ni Mr. Barretto sa kanyang anak na si Marjorie na “gusto kong lumipad”, na sinagot naman noon nang “Oo sige, lumipad ka nang mataas”. Pagkatapos noon ay mapayapa na raw ipinikit ng kanilang ama ang kanyang mga mata.

Ang inaasahan ng marami, magiging daan ang pagyao ni Mr. Barretto para muling magkasundo at mabuo ang kanyang pamilya. Matagal na rin namang may hidwaan ang magkapatid na sina Marjorie at Gretchen. Maging sa kanyang mga magulang na kumampi kay Marjorie ay napalayo si Gretchen, pero ngayon namatay ang kanilang ama, may mga nagsasabing baka naman magkasundu-sundo na sila.

Suklay Diva hirap magka-guest

May concert na naman ang tinatawag na Suklay Diva na si Kat Velarde sa Nobyembre 29 sa New Frontier Theater sa Cubao. Tinawag nilang siKATi2, iyan na bale ang ikatlong concert ni Kat ngayong 2019.

Ang una niyang concert na ginawa rin ng Viva Live sa Music Hall ay naging isang napakalaking hit kaya nga nagkasunud-sunod na ang kanyang mga shows at ngayon lang nakagawa ng isang mas malaking concert pa.

Maganda rin naman at ngayon nasa ilalim na siya ng management ng Viva, kung saan inaasahan nga niyang mas aasenso ang kanyang career at  magkakaroon ng artistic freedom.

Nanghihinayang si Kat dahil may mga kinumbida nga raw siyang ma­ging guest performers na hindi naman umubra sa schedule. Pero may nagsasabi ring mahirap kasing maging guest sa show ni Kat dahil baka masapawan ka lang dahil sa husay niya talaga.

Discrimination ni Regine sa isang sikat na brand ginaya na rin ng iba!

Gayahan na talaga ng gimmick? Unang nabalita na na-discriminate si Regine Velasquez sa isang shop ng isang brand sa abroad, nag-apologize naman ang kumpanya at pinadalhan pa ng flowers ang songbird. Aba biglang may sumunod na na-discriminate din daw sa isa pang shop? Padadalhan din ba siya ng flowers kung sakali?

At bakit kasi sila mahilig mag-shopping sa abroad kung saan alam nilang napakalakas talaga ng racial discrimination? Kasalanan na rin nila iyan eh, ang hilig kasi nilang mag-shopping sa abroad dahil may mga datung sila. Kaso hindi dahil may pera ka ay ok ka na.

vuukle comment

GRETCHEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with