^

Pang Movies

Nay Lolit naloka sa Sabado traffic!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Alam mo, Ateng Salve, nakakaaliw si Manay Lolit Solis dahil talagang in the name of giveaways ay lumabas siya kahapon para sa event sa PICC Forum Tent ng UltraMega Supermarket ni Mang Ernie Lim.

The last time na lumabas ng Saturday si Manay Lolit ay noong may Startalk pa siya sa GMA 7, kaya clueless siya na mas ma-traffic kapag lumabas sa araw na ‘yon dahil walang truck ban at color-coding sa mga sasakyan, huh!

Naloka-loka nga raw si Manay Lolit dahil parang gumagapang ang kanyang sasakyan sa sobrang traffic, ‘noh?!

Tsika nga pala ni Manay Lolit noong first night daw ng nasabing event ay maraming natuwa kay Martin Nievera dahil lahat ng mga nagpa-autograph at picture kasama ang concert king ay pinagbigyan nito.

Imelda naalala kung paano nilait noon

Naku, marami nakiyak kay Imelda Papin sa presscon ng kanyang Imelda Papin Queen @ 45 Anniversary Concert presscon kahapon sa Mesa restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City.

Naalala kasi ni Imelda na noong nagsisimula pa lang siya ay katakot-takot na pamimintas ang ginawa ng iba sa kanya.

Pero in fairness, umabot siya ng 45 years sa showbiz industry at bongga ang anniversary concert niya on October 26 dahil sa Philippine Arena ‘yon, ‘noh?!

Sabi nga ni Imelda kahapon, 80% na ng tickets ang nabenta at nagdagdag na nga raw sila ng VIP seats para ma-accommodate ang iba pang mga gustong bumili ng tickets, huh!

Ang bongga ni Imelda, ‘noh?!

Richard makaka-first time sa MMK

Ang teaser kagabi sa Maalala Mo Kaya episode for next week, ang My Handsome Boss.

Si Richard Gutierrez ang bida sa episode na ‘yon na ipapalabas sa Saturday (October 12).

First time mag-MMK ni Richard at kahapon ang second taping day niya.

May guesting sila ni Sarah Lahbati sa ASAP Natin ‘To mamaya at may taping uli siya.

Sabi ni Richard, enjoy siya sa taping ng first MMK episode niya.

Noon pa dapat nag-MMK si Richard, pero ngayon lang umubra ang schedule niya at excited naman siya dahil “cute” ang istorya.

‘Yun na!

vuukle comment

LOLIT SOLIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with