^

Pang Movies

Jeric biglang nawalan ng oras sa gym

Joe Barrameda - Pang-masa
Jeric biglang nawalan ng oras sa gym

MANILA, Philippines — Ang bilis ng panahon. Mukhang nalalapit na ang airing ng Magkaagaw na pinagtatambalan nina Jeric Gonzales at Klea Pineda.

Ilang araw na silang nagti-taping pero walang reklamo si Jeric kahit inaabot na ng umaga ang pack up nila. Lalo na at the following day ay may schedule siya. Kaya sa sasakyan na lang natutulog ang alaga namin.

Kung noon ay laging bakante ang schedule ng aktor, kabaligtaran naman ngayon at nawawalan na siya ng oras sa gym. Eh napaka-importante yun bilang bagong endorser ng Bench na ngayong October na ang launching.

Nakita namin ang mga pictorial niya sa Bench at magaganda ang kuha ng isang pamosong fashion photographer. Tapos nalalapit na rin ang 33rd PMPC Star Awards for TV kung saan nominado si Jeric sa Best Single Performance by an Actor sa role niya sa Magpakailanman as sex slave sa Saudi.

Dito ipinakita ni Jeric ang natutunan niya sa famous international workshopper na si Anthony Bova.

Marami ang nakapansin sa malaking improvement niya pagdating sa acting lalo na nga dito sa MPK. Kailan lang may isa pang episode kung saan kasama siya ni Mark Herras at isa pa bilang magkakapatid na madilim ang tinahak na buhay pero in the end ay naging maganda ang kanyang kapalaran.

vuukle comment

JERIC GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with