^

Pang Movies

May pattern daw sa pakikipag-relasyon, Andrea pinag-iingat kay Derek!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
May pattern daw sa pakikipag-relasyon, Andrea pinag-iingat kay Derek!

Kahit umamin na sina Derek Ramsay at Andrea Torres sa kanilang relasyon na nabuo dahil sa pagtambal nila sa teleserye na The Better Woman, though may mga natuwa, meron pa rin namang hindi sang-ayon sa pagkakaroon nila ng relasyon.

Base sa reaction ng netizens sa social media noong lumabas ang pag-amin ng dalawa, mas malaki ang concern ng netizens para kay Andrea dahil makakahanap pa naman daw ito ng lalake na karapat-dapat sa kanya.

Tawag nga ng ilang netizens kay Derek ay “player”, “playboy”, “afraid to commit” at “gurang”. Hindi raw ito ang lalaki na para kay Andrea. Deserve raw nito ang isang matinong lalaki na puwede siyang yayain magpakasal at hindi yung pag nagsawa na ay basta na lang hihiwalayan.

Hindi nga maiwasan ng netizens na makita ang pattern sa pakikipagrelas­yon ni Derek. Madalas daw nitong ligawan ay ang mga nakakatrabaho niyang aktres at kapag nagtagal na ay bine-break niya ito to move on sa iba. Ginawa ngang example sina Angelica Panganiban at Cristine Reyes.

And noong June lang daw nakipag-break si Derek sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Joanne Villablanca na six years niyang nakarelasyon.

Sey naman ng netizens kay Andrea na masyado naman daw itong mabilis bumigay kay Derek. Ilang buwan lang daw silang nagsama sa teleserye ay nagpa-fall agad ito kay Derek.

Tom Hanks pararangalan sa Golden Globe

Ang award-winning Hollywood actor na si Tom Hanks ang tatanggap ng Cecil B. DeMille award sa magaganap na Golden Globe Awards sa January 5, 2020.

Ini-announce ng Hollywood Foreign Press Association (HFPA) bilang pagkilala sa body of work at naging contribution ng aktor sa American cinema.

Ang mga past recipient ng naturang awards ay sina Steven Spielberg, Meryl Streep, Oprah Winfrey, Jeff Bridges and Harrison Ford.

The 63-year old actor ay nabigyan ng big break sa Hollywood nang gawin siyang bida sa 1988 film na Big. Nakilala si Hanks dahil sa paglabas niya sa 1984 US sitcom na Bosom Buddies with Peter Scolari and Donna Dixon.

In 1994 and 1995, nagwagi naman siya ng back-to-back best actor sa Oscars at Golden Globes para sa pagganap niya sa pelikulang Philadelphia at Forrest Gump. Kabilang sa 80 other movies na ginawa ni Hanks ay ang Apollo 13, Toy Story, Sleepless in Seattle, You’ve Got Mail, Cast Away, Captain Phillip, Scully, The Da Vinci Code, The Terminal, Saving Mr. Banks and Saving Private Ryan.

This November, mapapanood si Hanks as U.S. children’s television host Mister Rogers, in A Beautiful Day in the Neighborhood.

vuukle comment

ANDREA TORRES

DEREK RAMSAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with