^

Pang Movies

Sharon at Gabby, 35 years na sanang kasal

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sharon at Gabby, 35 years na sanang kasal
Gabby Concepcion

Sa media conference ng Iconic concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez last Monday, Sept. 23 ay napag-usapan ang tungkol sa kontrobersyal na reunion sa stage ni Gabby Concepcion at ni Megastar na naganap sa Gabay Guro 2019 event the previous night, Sept. 22.

Ayon kay Sharon ay unplanned talaga ang pagkanta nila ni Gabby that night (nag-duet sila ng signature song nilang Come What May) at aniya ay hindi nga raw niya alam na narooon din ito sa event. Pero natutuwa naman siya na ang daming kinilig sa pagsasama nilang ‘yun and thankful siya na till now ay matindi pa rin ang reaksyon ng mga tao sa kanilang tambalan.

“It was so overwhelming kasi, parang. . .wow, the reaction was, ‘uy!’ Talagang it’s still there, the chemistry,” anang Megastar.

“They know that I’m happily married, they know that he has a family also. Na magkahiwalay na kami ng buhay, na Diyos ko, ilang taon na.”

Biglang pumasok sa isip ni Sharon na wedding anniversary nila ni Gabby that day (Sept. 23).

“Dapat 35 yrs na kaming mag-asawa, eh. As a matter of fact, today,” she said.

Napa-oh my God naman si Regine sa sinabi ni Sharon.

“So, it’s been so long! And it was so unplanned ‘yung kagabi. So, mas importante sa amin ‘yung dating ng team-up namin, ‘yung reaksyon ng tao na nagulat din kami,” sey pa ni Sharon.

Ang dami nga raw nagre-request sa kanya ngayon na gumawa raw sila ng movie ni Gabby bago man lang siya mag-retire.

“Alam mo, bahala na ang Diyos do’n. You know, we always make plans but it’s really God’s plan ang nasusunod,” she said.

Pero ang maganda raw naman sa nangyaring surprise duet nila, at least nakita ng mga tao na bati na sila at okay na sila ni Gabby.

“Parang also it was nice to show everyone na okay na kami, parang naayos na, hindi na kami magkagalit. I think, that was more important.”

Nang matanong si Sharon kung ano ang reaksyon niya na willing si Kris Aquino na i-produce ang Sharon-Gabby reunion movie, sagot ni Mega, “napakarami na naming magpo-produce, huwag nang maraming sumali.”

Pero, kung siya raw ang tatanungin, open siya to do a movie with Gabby at professional actor naman daw siya.

Samantala, parehong excited sina Megastar and Songbird sa two-night concert nila na gaganapin on Oct. 18 and 19 sa Araneta Coliseum. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon sila ng back-to-back concert.

As we all know, noon pa ay idol na talaga ni Regine si Sharon at dati ay panaginip lang para sa kanya ang makasama ito sa isang stage.

Kim consistent na kabogera ang gown

Ayaw pa ring tantanan ng mga netizen ang gown ni Kim Chiu na isinuot sa ABS-CBN Ball 2019. Mabuti na lang at marami ring tagapatanggol at suppor­ters si Chinita Princess at para sa kanila ay hindi issue kung gamit na o kinopya kung kanino ang nasabing gown dahil as far as they know ay isa ito sa pinaka-eleganteng designs na nakita nila sa naturang ball.

In fairness naman to Kim, in the past ABS-CBN Ball or Star Magic Ball, consistent sa pagiging Best Dressed ang aktres. If you’d look back since 2015, talaga namang head-turner siya lagi ng ball and she always exudes class and elegance kahit ano pa ang suot niya.

Besides, nilinaw na rin naman ni Kim na gusto niyang makatulong sa mga young local designers natin at ito ang dahilan kung bakit niya pinili si Benj Leguiab IV para gumawa ng kanyang gown this year.

And Kim carried the dress well naman talaga kaya nga marahil talagang napansin ng netizens. Ewan lang ha, pero kung sa iba kayang artista pinasuot ang gown, mapapansin pa rin kaya? Iba kasi talaga magdala si Kim sa tanggapin o hindi ng kanyang mga bashers.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with