^

Pang Movies

Sen. Bong sinimulan na ang Eddie Garcia law...

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sen. Bong sinimulan na ang Eddie Garcia law...
Bong Revilla

Tatlong buwan matapos na pumanaw ang actor na si Eddie Garcia, nagbigay na ng pahayag ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng kanyang long-time partner na si Lilibeth Romero tungkol sa aksidenteng naganap sa set ng GMA 7 na siyang dahilan ng kamatayan ng actor.

Sa isang hearing na ginanap sa senado, tuwirang sinabi ni Lilibeth na nagkaroon ng pagkukulang kung di man matatawag na kapabayaan ang GMA 7 sa set ng seryeng iyon kung saan naaksidente si Eddie Garcia. Inulit lang naman niya ang nabanggit na rin ng DOLE na walang qualified medical personnel, walang ambulansiya, at hindi nga napaghandaan ang mga ganoong pangyayari.

Sinabi rin niya na siya at ang pamilya Garcia ay hindi titigil hanggang sa matiyak nila ang nangyari kay Eddie ay hindi na mauulit sa iba pang mga artista.

Sa kamara, nag-file na ng panukalang batas si Congressman Michael Romero, na anak ni Lilibeth, na nagtatakda ng mga dapat na paghandaan in case na may emergency sa set at ang pananagutan din ng mga network o ng producers kung sila ay mabigong gawin iyon.

May katulad na batas na rin namang ipinanukala si Senador Bong Revilla sa Senado, na nagtatakda rin ng pag-iingat at pananagutan ng mga kumpanyang hindi susunod.

“Noong araw marami tayong nakikitang nangyayaring ganyan. Kadalasan may lalapit sa iyo sa set, hihingi ng tulong dahil sa isang nadisgrasyang stuntman o supporting actors, lalo na nga sa mga pelikula namin noon na action. Ang magagawa mo lang tumulong. Kaya nga nagkaroon tayo ng Mowelfund noon kasi ang mga artista noon ni walang SSS. Pero kulang iyon. Kailangan mapanagot iyong mga hindi naghanda sa ganyan. Kami noon sa kumpanya namin laging may nurse, may mga gamot na kailangan para maski first aid mabigyan bago maitakbo sa ospital. Ngayon nabuksan pa ang isip natin na marami pa palang kailangang gawin,” sabi ni Senador Bong.

Loonie, nag-positive

Ngayong lumabas na ang resulta ng laboratory report na nagsasabing positibo ang rapper na si Loonie sa paggamit ng marijuana, mukhang mas tumibay nga yata ang pahayag ng pulisya sa sinabi nilang intelligence report na siyang dahilan kung bakit nila sinubaybayan ang rapper hanggang sa mahuli nga nila sa basement ng isang condo sa Makati.

Nauna riyan, sinabi ni Loonie na ang pagkakahuli sa kanya ay isang frame up lamang, at hindi sa kanya ang pera at ang high grade marijuana na nakuha sa loob ng kotse niya.

Sinabi rin niyang siya ay biktima lamang ng maling paniniwalang lahat ng rapper ay addict.

Aktor aminadong nagpapagamit!

“Alam ko naman ginagamit lang nila ako. Kasi nasa sitwasyon silang bagsak na talaga. Iyon nga lang at least may sinasabi silang mabuti-buti tungkol sa akin ngayon. Hindi kagaya ng dati na sa mga kuwento nila, para bang ako na ang pinaka walang hiyang tao sa buong mundo,” ang natatawa pang sabi ng isang actor.

Ganyan naman talaga ang buhay sa showbusiness, gamitan lang. Pero may mga tao talagang gagamitin ka lang at pagkatapos noon basura ka na. Iyon ang mga taong talagang dapat iwasan at alam naman ng lahat kung sinu-sino ang ganyan.

vuukle comment

BONG REVILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with