^

Pang Movies

Jeric at Klea tamis-tamisan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Jeric at Klea tamis-tamisan
Jeric, Klea

Taon ni Jeric Gonzales ang 2019 dahil siya ang lead actor sa Magkaagaw, ang coming soon afternoon drama series ng GMA-7.

Leading lady ni Jeric si Klea Pineda at dumayo pa sila sa Cebu dahil dito kinunan ang mga importanteng eksena nila para sa Magkaagaw.

Nag-pictorial na rin si Jeric para sa Bench underwear at bago matapos ang taon, baka makita na natin sa EDSA ang mga billboard niya.

Deserving si Jeric sa magagandang break na natanggap niya dahil nagtiyaga at naghintay siya.

Nagbunga ang pagtitiyaga ni Jeric kaya dumating na ngayon ang tamang panahon para sa kanya.

At dahil si Klea Pineda ang kapareha niya sa Magkaagaw, nag-umpisa na ang tsismis na sweet ang dalawa sa taping ng afternoon drama series na pinagsasamahan nila.

Kapag may balita na nagkakamabutihan sina Jeric at Klea, asahan natin na puwedeng magkatotoo ang mga hula na magkakaroon sila ng relasyon dahil sa kanilang madalas na pagkikita at pagsasama sa set ng bagong television show nila.

Regine wala nang bakas sa The Clash

Positive ang mga feedback sa pilot telecast noong Sabado, September 21, ng Season 2 ng The Clash.

Pinuri ang hosting job nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose. Mabilis na nakalimutan ng mga tao na si Regine Velasquez ang original host ng singing competition ng GMA-7 na very original ang format.

Sina AiAi Delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha ang The Clash Panel ng show. Naaliw ang lahat sa mga nakakatawa na komento ni AiAi at sa mga susunod na episode, inaasahan na lalong magiging mahigpit si Christian sa pagbibigay ng kanyang mga opinyon.

Super Tekla naisingit pa ang boodle fight

Successful ang lechon boodle fight na organized by Pinky Tobiano sa basketball court ng kanyang Qualibet company sa Project 7, Quezon City.

Dumating sa lechon boodle fight sina Super Tekla, Erik Santos at ang ibang mga artista ng ABS-CBN na close kay Pinky.

Original idea ni Pinky na magdaos ng lechon boodle fight para patunayan sa buong bayan na ligtas na kumain ng karne ng baboy.

Natakot kasi ang mga kababayan natin sa mga balita tungkol sa African Swine Fever ng mga baboy kaya humina ang kita ng mga nagtitinda ng pork.

Ang lechon boodle fight ang paraan ni Pinky para maipakita sa lahat na safe na kumain ng pork meat, sa kabila ng mga nakakaloka na news tungkol sa African Swine Fever.

Thank you uli kay Super Tekla at sa kanyang manager na si Rose Conde dahil sumipot siya sa lechon boodle fight at nag-provide ng entertainment kesehodang punumpuno ang schedule niya dahil promo period ng Kiko En Lala na showing sa mga sinehan sa darating na Miyerkules, September 25, 2019.

Importante kay Super Tekla na tangkilikin ng publiko ang Kiko En Lala dahil ito ang kanyang launching movie at validation ng pangarap niya na makilala bilang sikat na komedyante.

Sobrang thankful si Super Tekla kay AiAi Delas Alas dahil pumayag ito na magkaroon ng special participation sa Kiko En Lala. Bongga ang billing ng name ni AiAi sa mga billboard at poster, kahit sandali lamang ang appearance niya sa biggest movie break ni Super Tekla.

 

vuukle comment

JERIC GONZALES

KLEA PINEDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with