^

Pang Movies

Verdict mas marami na ang nagkaka-interes

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Verdict mas marami na ang nagkaka-interes

Balitang marami raw na special awards ang napanalunan ng pelikulang Verdict ni Direk Raymund Ribay Gutierrez sa mga sinalihan nitong international film festivals.

Ang mga bida sa nasabing pelikula ay si Max Eigenmann at ang yumaong aktor na si Kristoffer King na talaga namang hinangaan ang pag-arte.

Dahil sa word of mouth, parami na tuloy nang parami ang mga gustong makapanood nito. Aba siyempre, gusto rin namang malaman ng moviegoers ang dahilan kung bakit ito ang napili nilang isali sa Oscars.

Between… nina Gerald at Julia, mabentang-mabenta sa iWant

Palabas na sa IWant ang pelikulang Between Maybes nina Gerald Anderson at Julia Barretto. Excited na tuloy ang marami na mapanood sa TV ang kontrobersyal na pelikula ng dalawang artista na nasangkot sa isyu ng agawan kamakailan lang.

Naging magandang epekto naman ang nangya­ring ito dahil ngayon pa lamang ay marami nang nag-aabang sa pay-per-view ng nasabing pelikula na mapapanood na sa Sept. 20-24.

Speaking of Gerald, napakarami nitong pinagkakaabalahan ngayon. Bukod sa nakatapos na ito ng kanyang training sa Coast Guard, at tulad ni Matteo Guidicelli, ay magsisilbing reservist ng sangay ng ating Armed Forces of the Philippines. Patuloy din ito sa paggawa ng pelikula at palabas sa TV. Busy rin siya sa paglalaro ng basketball na itinatag ni Sen. Manny Pacquiao na Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Balitang kasali rin daw ito sa isang gaganaping car racing.

TNT patindi 

Nakakaiyak yung ginanap na semi-finals ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime nung Huwebes between sa defending champion at sa isang medyo may edad nang singer.

Mas may boses ang huli na hindi pinalad na makasama sa grand finals ng TNT. Nakakaiyak ang naging labanan, pareho silang magagaling.

Puwede na ngang maitanghal na champion ang nasa seat of power dahil ang dami dami na niyang tinatalong resbaker.

Nakakalungkot lamang kapag ‘di napili yung matanda para makasali sa grand finals na magaganap sa susunod na linggo.

Los Bastardos naging match maker sa casts

‘Di lang sina Jake Cuenca at Kylie Versoza ang nagbibigay kulay sa set ng Los Bastardos dahilan sa kanilang magandang relasyon, mukhang maging sina Joseph Marco at Ritz Azul ay hinihinalang sa ligawan din mauuwi, pero mukhang malabo itong mangyari dahil taken na si Ritz sa non-showbiz boyfriend nito. Sayang at bagay pa naman sila ni Joseph Marco.

Samantala, suwerte ng nasabing serye sa hapon ng ABS-CBN dahil nakakalikha sila ng mga tunay na romantic partnerships sa show, sayang nga lamang at magtatapos na ito sa susunod na linggo dahil kung hindi ay baka pati sina Albie Casiño at Mary Joy Apostol ay magka-inlaban din. ‘Di naman na puwede sina Joshua Colet at Mica Javier dahil engaged na si Mica kay JayR.

vuukle comment

VERDICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with