^

Pang Movies

Kris at Mark may namumuong ‘something’

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kris at Mark may namumuong �something�
Kris Aquino

Masayang magbasa ng comments sa Instagram (IG) ni Kris Aquino mula nang i-post na tatanggap siya ng friend request sa kanyang personal FB account. Kanya-kanyang reto ang followers ni Kris at mga doctor ang ibang nirereto sa kanya. May nireto na 51 years old at neurosurgeon na pasok sa qualities na hinahanap ni Kris at look-alike pa raw ni Keanu Reeves. Ang problema, walang FB account ang doctor.

Ang reaction ni Kris dito ay “sabi ko na may ‘catch’ eh.”

Hahaha!

May mga nag-request kung puwede silang i-accept ni Kris kahit younger sila at kahit hindi sila doctor?

May tumawad kung puwedeng ireto kay Kris ang kanyang classmate sa rheumatoid arthritis at autoimmune disease. May mga nalungkot naman dahil hindi sila qualified maging friends ni Kris sa FB.

Nag-comment si Mark Leviste ng “looking for someone single, aged 41?” at sobrang aliw ang sagot ni Kris na “@markleviste Vice-Gov di ba si @cathyvalencia ang pino pormahan mo? i’m in negotiations with her now...baka mawala pa eh good offer pa naman.”

Sumagot si Cathy Valencia ng “@krisaquino no we’re just friends. And i want us to only remain friends.”

Sinagot uli ni Kris si Mark ng “@markleviste Vice Gov- napaso na sa “players” (literal & figurative) and sa elected officials. You have a check in both boxes. Not “looking” but i look forward to getting to know you better & befriending you.”

Sa comment na ‘yun ni Kris, ang sagot ni Mark, “Fair enough. Something to look forward to.”

Ken niregaluhan ng Thai fan

Bukas na ang premiere ng The Clash 2 na kung saan, sina Ken Chan at Rita Daniela ang journey hosts. Bukod sa singing contest ng GMA 7, may rom-com series pa ang dalawa na One Of the Baes na sa September din ang airing. May guesting pa si Ken sa Daig Kayo ng Lola Ko, kaya totoo ang sinabi ni Janine Gutierrez na maraming shows si Ken kaya kailangang i-blowout siya nito.

Naging friends ang dalawa nang mag-host sila ng Day Off at hanggang ngayon, friends pa rin ang dalawa kahit madalang sila magkita.

Anyway, kasama rin si Ken nina Dennis Trillo at Alden Richards na dumalo sa Diamond Pink event ng JKN Media sa Bangkok dahil ipinalabas doon ang Destiny Rose, Meant to Be at My Special Tatay.

Habang nasa Thailand, nakilala ni Ken ang isa niyang Thai fan na niregaluhan siya kabilang ang puzzle ships dahil alam nitong sa rom-com series na One Of the Baes, may mga eksenang kinunan sa ships at tungkol yata sa buhay ng mga seaman ang story nito.

Candy at Kim pinakilalang brave women

Ang ganda nang introduction ng Viva Artists Agency kina Candy Pangilinan at Kim Molina nang mag-guest sa Tonight with Boy Abunda to promote Jowables.

“Two brave women of the Philippine comedy” ang pakilala sa dalawa na totoo naman, lalo na si Candy na single mom at mag-isang pinalalaki ang anak na si Quintin.

Katulong ni Candy ang pamilya niya sa pag-aalaga kay Quintin, pero sa usaping financial, si Candy lahat. Kaya pasalamat ito na tuluy-tuloy ang projects niya sa movies and television.

Showing sa September 25, ang Jowables sa direction ni Darryl Yap at madre ang role ni Candy. May eksena sila ni Kim na may nag-react na dahil hindi raw nirespeto ang mga madre. Siguradong may mga magre-react pa ‘pag napanood na ang Viva Films movie na ang rating ay rated PG ng MTRCB.

Serye ni Alden may bulagaan

Maganda ang ginagawa ni director LA Madridejos at creative team ng The Gift na kumukuha ng guests na ikinagugulat at ikinatutuwa ng televiewers dahil hindi nila expected. Nagugulat na lang ang viewers at biglang may susulpot na ibang karakter na guest pala.

Nagpasalamat si Ruru Madrid sa chance na makapag-guest sa The Gift at kahit sandali lang ang exposure, tumatak sa viewers at nakitang mahusay na aktor si Ruru.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with