^

Pang Movies

Show ni Ogie sa Guam nalipat sa NZ

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Show ni Ogie sa Guam nalipat sa NZ
Ogie Alcasid

Kahapon ay tinanong ko si Ogie Alcasid kung bakit hindi matutuloy ang show nila sa Guam?

Noong nasa Guam kasi kami ni CEB (Cinema Evaluation Board) Chairperson Christine Dayrit at friend namin na si Romelda Martinez at Rachel Lagrimas ay may nakapagkuwento sa amin na hindi matutuloy ang TFC (The Filipino Channel) show roon na pangungunahan ni Ogie.

Sabi ni Ogie, “Nalipat sa New Zealand ‘yung TFC show namin.”

Ah, kaya pala hindi sila matutuloy sa Guam dahil sa New Zealand na ang show nila!

Anyway, noong nasa Guam ako, nakita ko roon ang dating Gimik teen-oriented show mainstay na si Bojo Molina na happy ang buhay roon.

Nadaanan ko rin ang JT’s Manukan ni Joel Torre na according sa mga Pinoy roon ay madalas daw sa Guam ang aktor at pino-promote ang kanyang restaurant na unang sumikat sa Philippines.

Ruffa dusa sa takong

Bago ang ABS-CBN Ball 2019 noong Saturday ay nakatsikahan ko si Sunshine Cruz.

Sabi niya sa akin, lalabas na lang sila ng mga kaibigan, including Ruffa Gutierrez na nasa ball din ng Kapamilya network.

Kahapon naman, tinanong ko si Ruffa kung saan sila nagpunta nina Sunshine after ABS-CBN Ball 2019, pero sabi niya, “Everyone went out while I stayed in the room. ‘Kaloka! Ang sakit ng mga paa ko. Hahaha!”

Sa tagal naman kasi nila sa ball at naghintay pa sila noong una sa reception room bago sila rumampa sa red carpet ay hindi naman nakakapagtaka na sumakit ang mga paa ni Ruffa sa suot na heels, huh!

KathNiel na-miss si Richard

Nang magkita nga pala sa ABS-CBN Ball 2019 si Richard Gutierrez at ang mag-sweethearts na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay sobrang tsikahan sila.

Obvious na na-miss ng KathNiel si Richard at gayundin naman ang aktor.

Ang tagal din kasi nilang nagkasama sa La Luna Sangre.

Noong nagte-taping pa sila, basta magkasama sila sa set, palaging magkakuwentuhan sina Richard at Daniel.

Ang alam ko, gustong magkasama nina Richard at Daniel sa isang movie project in the future.

‘Yun na!

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with