^

Pang Movies

Ria iniintriga kay Alden

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Ria iniintriga kay Alden

Iritable ang ilang fans ni Ria Atayde sa ibang mga fan ni Alden Richards na nagkomentong parang masyadong na-starstruck ang kapatid ni Arjo Atayde sa aktor nang magkita sila sa Sine Sandaan event ng FDCP sa New Frontier Theater sa Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Red carpet event host si Ria, kaya nag-iinterbyu siya sa mga artists’ celebrities na dumarating doon.

Isa si Alden sa mga nainterbyu ni Ria.

May isa pang fan na nagkomento na kung first time ba nag-meet ang dalawa at grabe raw kung makahawak at feeling close.

Nagkamay kasi sina Ria at Alden.

May isang supporter nga ni Ria ang nakausap ko at iritable.

Bakit daw ganoon maka-react ang ibang mga fan ni Alden? Pati raw si Ria ay iniintriga pa.

Well...

Claudine na-late dahil sa gown

Na-late ng dating si Claudine Barretto sa nasabing event.

Nakatsikahan ko ang dating aktres at ngayon ay talent manager na si Bianca Lapus na close kay Claudine.

Inihatid daw niya si Claudine sa nasabing event.

Bale 8:00PM na raw kasi dumating ang gown ni Claudine, kaya na-late ito ng punta sa Sine Sandaan event.

Vhong dumalo sa Sine Sandaan kahit may sakit

Sumakit ang tiyan ni Vhong Navarro, kaya nagpahinga raw muna siya sa bahay ng tatay niya pagkatapos ng It’s Showtime at nang bumuti na ang kanyang pakiramdam ay nagpunta pa rin siya sa Sine Sandaan event.

In fairness, hindi na-late si Vhong.

Nauna sa event ang manager niyang si Direk Chito Roño na malakas-lakas na pagkatapos mao­perahan kamakailan.

Masaya sina Vhong at Direk Chito, pati ang isa sa Streetboys na si Jhong Hilario sa pakikipag­tsikahan sa press.

Annabelle pinag­handaan din ang Sine Sandaan

Ayon kay Annabelle Rama, si Rajo Laurel ang gumawa ng suot niyang mo­dern Filipiniana sa nasabing event.

Si Randy Ortiz naman daw ang may gawa ng barong na suot ng mister niyang si Eddie Gutierrez.

Hindi lang sure si Bisaya kung sino ang gumawa sa barong ng anak na si Richard Gutierrez dahil ang stylist na si David Milan ang may alam.

Star-Studded...

Star-studded ang Sine Sandaan at bongga ka, Ateng Salve, dahil finally ay nagka­tsikahan kayo ni Coco Martin at nag-dialogue siya ng, “Ikaw pala si Ate Salve na madalas na binabanggit ni ‘Nay Lolit!” 

‘Yun na!

vuukle comment

RIA ATAYDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with