^

Pang Movies

Snooky humihingi ng dasal para sa anak na may pneumonia

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Snooky humihingi ng dasal para sa anak na may pneumonia
Snooky Serna

Hanggang kahapon ay stressed pa rin si Snooky Serna dahil hindi pa pala guma­galing ang bunsong anak na si Sachi Go.

May pneumonia si Sachi noong Friday pa, kaya kahapon, ipinasok na niya ang anak sa New Era Hospital.

Humihiling si Snooky ng prayers para sa anak.

Last Friday ay nai-post na niya ‘yon sa kanyang Facebook page, pero hindi na siya makapag-update sa kanyang followers dahil nag-decide siya na mag-rest muna sa nasabing social media site dahil sa obscene photos na ipinadadala sa kanya ng ilang bastos na followers.

Lovi payag nang patali sa British BF?!

Malamang, kung hindi ngayon ay bukas ang dating sa bansa ni Lovi Poe mula sa Los Angeles, California.

Sa Friday kasi ay may taping na si Lovi for Tadhana ng GMA 7.

Nag-show sa Calgary at Winnepeg, Canada si Lovi for GMA Pinoy TV at dumiretso siya sa L.A. kung saan ay nagkita sila ng Hollywood movie producer na si Montgomery Blencowe na balitang boyfriend niya.

Nag-Disneyland pa nga ang dalawa.

Lately ay madalas na napo-post ni Lovi na magkasama sila ng Bri­tish guy at maraming kinikilig sa kanila.

Ang guwapo nga raw ni Montgomery.

May mga nagtatanong nga — willing na raw ba si Lovi to settle down with Montgomery?

Well...

Stylist ni Charo yumao na

Kahapon ay kumalat ang balitang yumao na ang fashion stylist na si Eric Pe Benito.

Identified si Eric kay Ms. Charo Santos-Concio.

Nang makilala ko si Eric ay siya na ang nag-i-style sa ABS-CBN executive.

Sa mga naulila ni Eric, ang aming pakikiramay! (Nakikiramay po sa mga naiwan ni Eric Pe Benito.  – Salve)

vuukle comment

SNOOKY SERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with