^

Pang Movies

Zephanie natupad agad ang pangarap

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Zephanie natupad agad ang pangarap

Ang daming ganap kay Zephanie Dimaranan pagkatapos hiranging unang Idol Philippines.

Ang latest ay ang pagkanta nito ng isa sa official theme song ng  The Killer Bride na may title na Bawat Daan. Nagulat ang lahat at hindi makapaniwala na si Zephanie ang nasa likod ng boses dahil sa magandang rendition nito. Ang galing nga naman ng pagkaka-revive ni Zephanie ng kanta ni Ebe Dancel.

Aminado si Zephanie na dream come true sa kanya na kumanta ng theme song ng nasabing series.

Bale ba si Jonathan Manalo ang nag-produce ng kanta at hindi first time na nagkatrabaho ang dalawa. Dahil si Jonathan din ang nag-compose ng ipinanalo nitong piyesa na Pangarap kong Pangarap Mo.

Para kay Zeph ay blessing ito na talagang kanyang ipinagpapasalamat.

Samantala muling makakasama ni Zeph ang top winners ng Idol Philippines bilang bahagi sila ng concert ni Moira sa Sept. 13, 2019 na may title na Braver Moira na gaganapin sa Araneta Coliseum.

First time ring dadalo sa ABC-CBN ball ng young singer kaya inaabangan na ng fans ang kanyang gown.

vuukle comment

ZEPHANIE DIMARANAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with