^

Pang Movies

Maine kailangang mahabol si Alden!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Maine kailangang mahabol si Alden!
Maine Mendoza

Naging phenomenal man ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza ay unti-unti itong nag-wane nang magsimula silang gumawa ng mga solo projects. Pero umarangkada nang husto ang career ni Alden na ito’y ipareha kay Kathryn Bernardo sa pelikulang Hello, Love, Goodbye na dinirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema and is now considered the highest-grossing Filipino film of all time surpassing the record made by the movie The Hows of Us, na pinagtambalan nina Kathryn at Daniel Padilla nung isang taon.

Nakadagdag pa sa popularity ni Alden ang pagtanggap niya ang Asian Star Prize mula sa ika-14th Seoul International Drama Awards na ginanap sa Seoul, Korea nung nakaraang August 28 na sinundan ng Icon Celebrity Award na iginawad kay Alden. Nariyan pa ang bagong TV drama series ni Alden, ang The Gift na nakatakdang magsimula ngayong September 16 kung saan naman niya katambal ang beauty queen-turned Kapuso actress na si Thia Thomalla.

Kailangang pumalo sa takilya ang first team-up ni Maine with Carlo Aquino, ang Isa Pa with Feelings na pinamamahalaan ni Prime Cruz maging ang Metro Manila Film Festival movie nila ni Bossing (Vic Sotto), ang Mission Unstopabol: The Don Identity, otherwise ay mapapag-iwanan na ni Alden ang dating kapareha.

Anak ni Lea nakuha ang galing niya sa pagkanta

Like mother, like daughter.  Ito ang nakikita namin sa mag-inang Lea Salonga at Nicole Chien nang magsama ang dalawa sa sold-out two-night concert ng Broadway diva na si Lea sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila noong nakaraang August 30 & 31, 2019.

Si Nicole ay isa sa mga special guests ni Lea sa kanyang Lea Salonga: Perfect Ten concert along with Broadway actor Michael K. Lee, Tanya Manalang at Esang de Torres kung saan tumayong musical director at conductor ang nakababatang kapatid ni Lea na si Gerard Salonga kasama ang ABS-CBN Philharmonic Orchetra. Ito’y dinirek ng stage veteran na si Floy Quintos.

Ryle mas close pa sa mga tiyuhin

Hindi man close ang Hashtag member na si Ryle Santiago sa kanyang biogical father na si Junjun Santiago, close umano siya sa kanyang mga tiyuhing sina Randy at Rowell Santiago dahil mas madalas umano niyang makita ang dalawa.

Tatlong taong gulang pa lamang si Ryle nang magkahiwalay ang kanyang parents na sina Junjun at aktres na si Sherilyn Reyes. Pero ang longing niya sa isang ama ay napunuan ng kanyang stepdad at tumatayo niyang manager na si Cris Tan, ang second husband ng kanyang mommy (Sherilyn). Kahit kailan ay hindi umano siya itinuring na iba ng kanyang stepfather kung hindi bilang isang tunay na anak. Katunayan, gusto sana siyang (Ryle) i-adopt noon ng kanyang Daddy Cris pero hindi umano pumayag ang kanyang biological father na si Junjun na isa sa mga unit heads ng ABS-CBN.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with