^

Pang Movies

Baron naalala ang ‘bisyo’ dahil sa role!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines — May mga komentong hindi na raw nakapagtataka kung sakaling magbalik-bisyo na naman ang aktor na si Baron Geisler. Paano ba naman kasi, sa kanyang pagbabalik ay adik-adik agad ang kanyang karakter.

Sana raw ay ibang role ang ibinigay sa kanya ni Coco Martin para hindi na nito maalala ang dating bisyo. Ayun tuloy.

Sa ngayon, magpapahinga ulit si Baron para magpa-rehab.

May usap-usapan din namang kaya aalisin si Baron ay dahil nilalamon na raw nito ang kanyang mga kasamahang artista sa eksena.

Anyway, sana sa kanyang muling pagbabalik ay ibang papel naman ang kanyang gawin. Hays. Tila antok na naman ang aabutin ng followers ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil wala na si Alyas Bungo.

Alden at Maine inaabangan kung magsasama sa pelikula ni Bossing

Marami ang nagsa-suggest na bakit hindi kunin ni Vic Sotto si Alden Richards bilang kapareha ni Maine Mendoza sa darating nilang pelikulang pang-Metro Manila Film Festival 2019.

Ang problema, papayag kaya si Alden na muli silang magsama sa big screen ni Maine gayung isa na siyang box-office star?

Well, abangan na lang natin kung kukunin nga si Alden ni Bossing at kung papayag siya sa pagbabalik ng AlDub.

Sexy movies pumapatok na ulit

Mukhang big threat ang muling pagkaka-uso ng sexy movies laban sa mga matitinong pelikula ngayon. Kaliwa’t kanan kasi ang gumagawa ngayon ng mga ganung palabas dahil mas kumikita raw ito sa takilya.

Mura lang daw kasi ang puhunan ng producers sa paggawa ng sexy movies dahil mura lang ang talent fee ng mga gumaganap, and besides hindi pa ito magastos sa customs dahil swimwear lang at t-back ang karaniwang suot ng mga artista.

Joshua dedma na kay Julia, mas tutok kay Janella!

Walang duda na nakawala na si Joshua Garcia sa isyu ni Julia Barretto.

Halatang nakapokus ang atensyon nito ngayon kay Janella Salvador na kapareha sa seryeng The Killer Bride. Talk of the town din ang muling pag pasok ni Maja Salvador sa eksena.

vuukle comment

BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with