^

Pang Movies

Ruffa loveless sa birthday ng anak

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Ruffa loveless sa birthday ng anak

Dream come true para sa panganay ni Ruffa Gutierrez na si Lorin Gab­riella ang maging festival-themed party ang kanyang 16th birthday.

Sa inilabas ni Ruffa na photos ng selebras­yon last Saturday sa White Space, Makati Cty, kitang-kita ang kaligayahan kay Lorin sa larawan.

“My dream sweet 16. Thanks mommy,” saad ni Lorin sa thread ng comments.

Of course malaki rin ang naging bahagi ng selebrasyon ang Tito Raymond ni Lorin na naging punong-abala at director upang maisakatuparan ang birthday wish ng pamangkin.

Present sa party ang Tito Richard at Tita Sarah Lahbati kasama ang pinsan niyang si Zion. Nadoon din si Mariel Padilla, Charlene Gonzales at kambal na anak nila ni Aga Muhlach, Andrea Brilliantes, Jackie Forster at anak na sina Kobe Paras at Jared, Donita Rose, Samantha Lopez, Vina Morales, mag-inang Marjorie at Julia Barretto at marami pang iba.

Habang nagsasayawan ang mga millennial, ang lola Annabelle ni Lorin ay enjoy na enjoy naman sa kapapanood sa kanila.

Nagbigay ng birthday wish si Julia kay Lorin after ng blowing of birthday cake. “Huwag ka munang magbu-boyfriend!”

Payo naman ng inang si Rufing sa IG, “Study hard be a good girl and continue making us proud.”

Sa totoo lang, walang boyfriend na kasama si Ruffa sa birthday ng anak dahil ang ka-bonding niya ay sina Donita, Vina at Samantha sa kabuuan nang gabi, huh!

Personal…

Special thanks to Oliver Guiyab and family dahil sa pag-asikaso sa amin nang dumalaw kami sa lugar nila sa Cabagan, Isabela.

Special thanks also sa Joey and Vina Balatbat na owner ng Four Js Hotel kung saan kami nag-stay.

Thank you, Oliver and may your mother rest in peace.

vuukle comment

RUFFA GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with