^

Pang Movies

Dra. Vicki at Hayden nag-celebrate ng 2nd wedding anniversary!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Happy anniversary kay Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr.

Ikinasal sina Vicki at Hayden sa Paris noong September 2, 2017 at two years na pala ang nakalilipas mula nang maganap ang kanilang engrande na pag-iisang dibdib na dinaluhan ko.

Going strong ang relasyon nina Hayden at Vicki na lalong pinatibay ng kanilang anak na si Scarlet Snow.

Short but sweet ang anniversary message ni Hayden kay Vicki na “two years of marriage and feeling more free than ever. Happy anniversary my love.”

Pagpapalaya sa mga suspek sa kaso ng Chiong sisters nabuhay!

Kumukulo na naman ang dugo ng mga Pinoy dahil kinumpirma kahapon ni Bureau of Corrections Director Nicanor Faeldon na nakalaya na mula sa pagkakakulong ang mga suspect sa panggagahasa at pagpatay sa Chiong sisters na sina Marijoy at Jacqueline.

Mga biktima ng karumal-dumal na krimen ang Chiong sisters sa Cebu noong July 16, 1997 at well-publicized noon ang pagpaslang sa kanila.

Muling umingay ang kaso ng Chiong sisters dahil sa Jacqueline Comes Home, ang unang movie directorial job ni Peach Caparas.

Mga bida sa pelikula sina Donnalyn Bartolome at Meg Imperial na ipinalabas sa mga sinehan noong July 2018.

Ang Jacqueline Comes Home ang sinasabing pinakamaingay na pelikula noong nakaraang taon dahil pumalag ang mag kabilang–panig, ang naulilang pamilya nina Marijoy at Jacqueline at ang pamilya ng mga suspect.

May mga naniniwala na inosente si Paco Larrañaga at ang kanyang anim na kasama na nahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection pero hindi natuloy dahil napawalang-bisa ang capital punishment sa bansa natin.

Dinala si Larrañaga sa Spain dahil Spanish citizen siya. Kukumpletuhin niya sa Spain ang kanyang life sentence na tinutulan ng Chiong family dahil sa balita na pinapayagan siya na makalabas sa kulungan at mapapanood ito sa documentary na If Tomorrow Comes.

Dahil kumpirmado ang balita na nakalaya na ang mga suspect sa Chiong rape-slay, mu­ling pinagpipistahan ang kaso tulad ng nangyari sa muntik nang pagpapalaya kay former Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Wagas may positive feedback

Positive ang mga feedback sa Wagas na napanood simula kahapon nang umaga sa GMA-7.

Sina Mike Tan at Sunshine Dizon ang stars ng pilot episode ng Wagas na dating napapanood sa GMA News TV pero due to insistent public demand, inilipat sa GMA-7.

vuukle comment

HAYDEN KHO

VICKI BELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with