^

Pang Movies

Gretchen tuloy ang suporta kay Bea

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Gretchen tuloy ang suporta kay Bea
Gretchen

Iyong napakaliit na bagay na nagsimula lang naman sa pag-like ni Bea Alonzo sa mga lumabas na stolen shots ng dating boyfriend na si Gerald Anderson at Julia Barretto ay lumaki na nang lumaki at parang naging isang national issue. Aba eh mukhang maliban doon sa paglilinis ng Maynila, ang issue na lang nina Bea at Julia ang napag -uusapan.

In fairness kay Bea, wala naman siyang sinabi kundi nag-like lang. Iyong mga tao na ang nagbigay ng kung anu-anong comments doon.

Pero ang dati ay sigalot lang sa pagitan nina Bea, Julia at Gerald, mas lalong naging malaking away pa ngayon at mukhang nagsisimula na naman ang word war sa pamilya ng mga Barretto. Kung natatandaan ninyo, nagkaroon din ng mga ganyang usapan noong ang nasa trouble ay si Claudine laban sa asawang si Raymart Santiago. Nang humupa naman ang gulo, na-realize niyang maganda naman pala ang intention ng kanyang ate na si Gretchen, kaya ngayon sila naman ang magkakampi.

Hindi kinampihan ni Gretchen ang kanyang pamangking si Julia, sa halip kinampihan nila ni Claudine si Bea Alonzo. Hindi lamang dahil kaibigan nila iyon, dahil naniniwala kaming sa kalaunan mangingibabaw din ang katotohanang kadugo nila si Julia pero nanindigan silang may mali nga sa nangyari at hindi nila gustong kunsintihin iyon.

Sinabi ni Gretchen na kumuha ng ghost writer si Julia para sabihan si Bea. Idinagdag naman ni Marjorie Barretto ang salitang “ghost writer” sa kanyang bio sa Instagram. Hindi nagtagal, idinagdag din ni Gretchen sa kanyang profile ang salitang “ghost buster”. Mukhang declaration of war na naman iyan.

Pero kung magsasagutan na naman sila sa social media, lamang si Gret­chen kagaya nang dati dahil mahigit na isang milyon ang followers niya.

Waging Best Actor sa Cinemalaya dapat masubukan sa mainstream

Pagkatapos ng indie film festival ng CCP na Cinemalaya, pinag-uusapan nila ang baguhan na nanalong Best Actor, si Jansen Magpusao. Kung iisipin mo bihira ang ganyan. Ang natatandaan lang naming naging best actor sa kanyang unang film ay si Christopher de Leon sa pelikulang Tinimbang Ka Ngunit Kulang at si Bembol Roco sa pelikulang Maynila.

Matapos ng una nilang pelikula, sumikat na agad ang dalawa. Lalo silang sumikat matapos na sila ay manalo ng award bilang best actor.

Ang tanong lang namin, kailan naman kaya sisikat si Jansen Magpusao?

Kung kikilalanin ang kanyang kahusayan at mabibigyan siya ng mga pelikulang mainstream na mas mapapanood ng maraming tao, darami ang fans niya at sisikat siya. Kung magpapatuloy siya sa indie na bihira ang nanonood, malabo iyon.

Mga artista gamit na gamit sa prostitusyon?!

Mas marami pang raket na may kaugnayan sa prostitusyon, at gumagamit ng pangalan ng mga artista ang mabubulgar, kasi iniimbestigahan na iyan pagkatapos na may muling mangyari kay Jackie Rice. Nauso na iyan noong araw pero natigil na. Ngayon ay may gumagawa na naman.

Ang karamihan sa kanilang mga ine-exploit ay hindi ang tunay na artista kundi mga kabataang “look alike” lamang ng mga sikat na artista. Ginagamit nila ang pangalan ng mga artista para makapang-raket sila nang mas malaking halaga.

vuukle comment

GRETCHEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with