^

Pang Movies

Gerald gusto nang magpaka-positive

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Gerald gusto nang magpaka-positive
Gerald Anderson

Tila gusto nang kalimutan ni Gerald Anderson ang kontrobersiya na pinagdadaanan sa pamamagitan ng pagpo-focus sa iba’t ibang bagay. Sa kanyang recent Instagram posts ay makikitang nag-participate siya sa isang performance run at nilagyan pa niya ng caption na “positive vibes early in the morning.”

Ibinahagi rin ni Gerald ang naging karanasan niya sa Scout Ranger training recently na aniya ay napakarami niyang natutunan kabilang na ang pagiging composed to any situation.

“3 days of the hardest training i have undergone .. these pictures dont give justice to it .. we were pushed physically and mentally beyond our limits .. i have learned so much in just three days..

“Being the company commander taught me how to lead other people but most important how to lead myself and stay composed despite any situation ..

“Only 2 hours of sleep for 3 days .. more or less 10 seconds to eat your meal sometimes eating naka-dapa sa putikan .. that teaches you a lot .. patience,gratitude appreciation for even the small stuff .. Being a Philippine Scout Ranger is being a real super hero .. i appreciate your sacrifices men,” ang saad ni Gerald sa kanyang latest post.

Naka-deactivate pa ang comment section sa latest IG posts ni Gerald na marahil ay isa ring paraan niya para makapag-move on mula sa kinasasangkutang controversy with Bea Alonzo and Julia Barretto.

Pahupa na ang issue at hindi magtatagal ay mamamatay na rin ito and life goes on, ‘ika nga sa tatlong stars na involved.

Produkto ni Korina mabenta

Parami nang parami ang tumatangkilik sa K Magic line of skin and hair product essentials ng broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas, na kanya ding ineedorso kasama si Jacque “Ate Girl” Gonzaga ng programang It’s Showtime.

Isa sa mga produkto ng K Magic na talaga namang pinuputakti ng libu-libong mamimili ay ang K Magic Skin Cream na ani Korina ay parang magic talaga ang epekto sa skin.

“Sobra sobra ang pasasalamat ko at ni Ate Girl dahil nagustuhan naman ng mga tao ang K Magic Skin Cream. Pinag-isipan kong mabuti ang formulation ng K Magic Skin Cream at galing pa ng Switzerland ang mga sangkap nito,” sey ni ate Koring.

Isa pang ikinatutuwa ni Korina ay ang mga pagpapadala ng personal messages ng mga users with before and after photos.

“Nakakataba ng puso kasi nakikita ko talagang tumataas ang self-confidence nila at bakas ang kaligayahan sa kanilang mga mata dahil ang laki ng improvement ng kanilang mga balat. Nakakagulat ang mga transformation,” tuwang-tuwang kuwento ng host ng Rated K na napapanood every Sunday sa bagong timeslot na 6pm.

At sa mga nagtatanong kung paano makabili, nationwide na ngayon ito sa select Mercury Drug Stores sa Luzon, Visayas at Mindanao. Pwede din bumili sa mga online shopping sites tulad ng Shopee at Lazada. Mayroon din sa Victory Mall Pasay, Caloocan, at Antipolo, at sa mga selected Star Mall branches. Available na rin ito worldwide. Kahit anong bansa, madedeliver. Pumunta lang sa www.keverydayusa.com at pwedeng bumili online.

vuukle comment

GERALD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with