^

Pang Movies

Starstruck may bagong twist

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Starstruck may bagong twist

Nagkaroon na ng second twist ang Starstruck 7 na ini-announce ng hosts na sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado pagkatapos ng acting test ng Top 10 Finalists sa kinatatakutang Council na si Ms. Cherie Gil. Natapos ang dalawang gabing acting test at inihayag na ng hosts kung sino ang nakakuha sa kanila ng lowest score. 

Among the females, si Ella Cristofani ang nakakuha ng lowest score at si Jeremy Sabido naman sa males, at ang second twist nga ay bibigyan muli sina Jeremy at Ella ng last chance na makabalik next week, lalabanan nila ang two bottom finalists sa Top 8 finalists na naiwanan nila. Sasamahan pa ito ng mu­ling pagboto ng televiewers sa pamamagitan ng pagte-text. Puwedeng bumoto ang viewers ng five (5) times per day sa paborito nilang Top 10 finalists. 

Malalaman kung mananatili muli sina Jeremy at Ella sa laban at sino naman ang matatanggal sa top 8 na sina Kim de Leon, Allen Ansay, Radson Flores at Abdul Raman, Pam Prinster, Lexi Gonzales, Shayne Sava at Dan Porter. 

Napapanood ang Starstruck every Saturday and Sunday night sa GMA-7.

Kristoffer at Paul sumalang sa Bebot ng EB

Pagkatapos na muling magkaroon ng Little Miss Philippines 2019, nasundan ito ng Mr. Pogi 2019, at ngayon muling napapanood sa Eat Bulaga ang dati na nilang programa noon, ang Bebot 2019. 

Bumalik naman si Paolo Ballesteros as Precious Paola Nicole Ballesteros, sa APT Studios as host ng Bebot 2019. First two contestants nila ang actors na sina Kristoffer Martin bilang si Ariana Engrande Engrande at si Paul Salas bilang si Liza Mauban. Tatagal ng two weeks ang contest na ito at sinu-sino pa kaya ang mga male artists na sasali sa Bebot 2019?

Sophie mapaghiganti!

Nasa last two weeks na ang sinusubaybayang afternoon prime series na Bihag. Marami nang naghihintay kung paano makapaghihiganti si Jessie (Max Collins) kay Reign (Sophie Albert). Si Sophie raw ang pinakamaganda at pinaka-sweet looking na kontrabida pero ang husay niyang mag-isip ng mga palusot kapag nahuhuli siya. Hindi pa ba siya nahihirapan sa character na ginagampanan niya?

“Okay lang po,” natatawang sagot ni Sophie. Napapanood ang Bihag pagkatapos ng Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko sa GMA-7.

vuukle comment

STARSTRUCK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with