^

Pang Movies

Kris at Frankie nagsagutan tungkol sa pampaputi

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kris at Frankie nagsagutan tungkol sa pampaputi
Kris Aquino

Nag-react si Kris Aquino sa post ni Frankie Pangilinan tungkol sa hindi paggamit ng skin whitening products na isa sa important things na binanggit sa kanyang post.

Sabi ni Kris, “Oops on the skin whitening products. Acceptable if w/ SPF? i believe we should love the skin we have but also aim for what makes us feel most beautiful. For me, all skin tones are ATTRACTIVE basta pantay ang kutis at maalaga against sun damage.”

Sinagot ni Frankie si Kris, “@krisaquino i meant skin whitening tita like bleach or otherwise harmful products which tend to advertised as a catalyst for cosmetic advantage. SPF is essential! Whitening products are not :)”

Marami ang nag-agree kay Frankie at naintindihan din ng netizens si Kris, kaya walang isyu dito.

Samantala, inalala ni Kris ang August 1, death anniversary ng mom niyang si former President Cory Aquino sa August 1.

Ayon kay Kris, dekada na ang lumipas nang mamatay ang mom niya noong August 1, 2009, 2am., pero malinaw pa rin sa kanya ang nangyari sa petsang ‘yun.

In other news, magagawa ni Kris ang Metro Manila Film Festival entry na (K)Ampon at magsu-shooting na sila within two weeks time. Nangako na rin daw si Derek Ramsay na aayusin ang schedule para magawa ang movie ng Quantum Films.

Claudine pumiyok sa naranasang pang-aabuso

Puno ng meaning ang pinost ni Claudine Barretto na quotation card na ang sabi, “Oh, I’m sorry. I forgot, I only exist when you need something” at lalong nabigyan ng kulay sa reaction ni Gretchen Barretto na “CORRECT. DO NOT ALLOW OTHERS TO ABUSE YOUR KINDNESS. Is it the mother daughter team?”

Hindi sinagot ni Claudine ang tanong ni Gretchen kung mother daughter team ang tinukoy nito dahil ang sagot ni Claudine, “@gretchenbarretto I thank God I have u.”

Kanya-kanyang hula ang mga nakabasa kung sino ang tinutukoy ni Claudine, pero bumilib ang netizens sa pagiging straight daw ni Gretchen. May friend si Claudine na nag-comment na ‘wag abusuhin ang kabaitan ni Claudine na may hangganan din.

Dito sumagot si Claudine na witness ang nag-comment dahil ilang taon na silang friends. May nagpayo sa aktres na kalimutan na ang nangyari sa kanila ng older sister niya at kung may isyu sa kanila, ‘wag niyang ilagay sa social media para hindi na lumaki at hindi malaman ng ibang tao.

Tama ang netizen na nagpayo kay Claudine dahil sa post nito, marami ang gustong malaman sa isyu sa kanila ni Marjorie Barretto dahil in-assume ng netizens na si Marjorie ang blind item ni Claudine.

Fans nina Rayver at Janine, bitin na bitin

Ang daming reklamo ng fans nina Rayver Cruz at Janine Gutierrez, matipid daw si Rayver sa pagko-comment tungkol sa GF na si Janine. Hindi nila-like ang posted pics ni Janine sa social media at madalang mag-post ng litrato nilang magkasama.

Mabuti pa raw ‘pag ibang girls at mga nakakasama ni Rayver sa trabaho gaya ni Kris Bernal na kasama ng aktor sa Afternoon Prime ng GMA-7 na Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko. 

Si Maja Salvador na kung saan, nag-guest si Rayver sa dance music video nito, ang dami nang nasasabi ni Rayver.

Pero, noong birthday niya, nag-post nga ng litrato nila ni Janine, pero “Thank you” lang ang caption. Na-disappoint ang ibang fans ng dalawa na ini-expect yatang mag-“I love you” si Rayver kay Janine.

Hindi showy si Rayver at hindi ma-PDA at kung si Janine tanggap ‘yun, bakit ang fans nagrereklamo?

Hintayin n’yong magkasama sa teleserye sina Rayver at Janine at tiyak na babawi ang dalawa sa ka-sweetan at pagpo-post ng pics. Kaya lang, matagal pa ‘yun dahil kasisimula lang ngHanggang sa Dulo ng Buhay Ko at si Janine, katatapos lang ng Dragon Lady.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with