^

Pang Movies

Frankie ni Sharon ipinag-produce ni Ely Buendia

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Frankie ni Sharon ipinag-produce ni Ely Buendia

Proud mother si Sharon Cuneta na recording star na ang eldest nila ni Sen. Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan. Ibinalita ni Sharon sa Instagram (IG) na nasa Spotify na ang single ni Frankie na TYL o True Young Lovers. Produces ni Ely Buendia ang single at si Ely pa ang tumugtog ng gitara.

Sabi naman ni Frankie, hero niya si Ely at fan siya ng Eraserheads at alam niya ang songs ng banda dati ni Ely. Binanggit pa niya ang Cutterpilow at Circus as her favorite albums of Eheads. Umiyak daw siya nang malamang may chance siya to work with Ely at ang TYL  na nga ‘yun.

Kuwento pa ni Frankie, sobra ang nerbyos niya sa recording at nanginginig siya sa buong recording. Si Frankie ang sumulat ng TYL at sa post nito, parang inayos ni Ely ang areglo ng song para mas gumanda.

Angel nakipagtalakan sa fans ni Julia

Sinagot ni Angel Locsin ang tanong ng isang fan ni Julia Barretto na “Ano ang ginawa ni Julia sa iyo para makisawsaw sa issue? Disappointing!!!”

Sagot ni Angel, “Hindi sa nagmamayabang, pero lampas na kasi ako sa stage ng career ko para sumawsaw. Ikaw ang disappointing.”

May isa pang fan si Julia na nag-comment ng “masaya na kayo? palibhasa insecure ata kayo saka napatunayan na ba eh selosa naman talaga yan si bea kahit walang ginagawa remember nung pia at Gerald movie unfollow ni ate gurl tapos nakikisawsaw kayo kala mo ang lilinis nyo.”

Sinagot ng fan ni Julia ang tweet ni Angel na hindi siya sumasawsaw ng “talaga ba? alam mong may pangalan yung tao malamang masisira sa simpleng gesture na pinapakita nyo na si Julia may mali may proof kaba?”

Sagot ni Angel, “Una sa lahat, wag kang susugod sa feed ko lalo na mali ka at wala akong pakialam sa issuing pinasok mo. Ang dami kong pinagkakaabalahan para idamay mo ako sa hanash mo.”

Sa bagay, kahit hindi sumagot si Angel, to the rescue ang supporters niya na siyang sumagot sa fan ni Julia. Sila ngayon ang nagbabangayan sa Twitter.

Bea maraming ginagawa ‘pag walang project

Nabanggit ni Bea Binene sa isang interview na one soap a year lang ang ibinibigay

sa kanya ng GMA-7 and this year, sa primetime na Beautiful Justice siya mapapanood kasama sina Yasmien Kurdi, Gabbi Garcia at Bing Loyzaga. Nag-story con na para sa soap na ididirehe ni Mark Reyes.

Natutuwa kami kay Bea dahil ‘pag walang project, naghahanap ng mapagtutuunan ng kanyang oras at pansin. Sa ngayon, nag-enroll siya ng Culinary Studies sa Center for Asian Culinary Studies at kumuha ng Professional Culinary and Pastry Arts. Tuwang-tuwa si Bea na marami na siyang pastries na alam gawin.

Makakatulong ang kaalaman niya sa pastry making sa kanyang Mix & Brew Coffee sa SM Megamall Food Court.

Kapag wala siyang appointment, tumatao si Bea sa kanyang kiosk na good for her business dahil marami ang nagkakape ‘pag nakita siya.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with