^

Pang Movies

Kapamilya stars, sanib-pwersa sa pagsuporta sa galing ng Pilipino

Pang-masa
Kapamilya stars, sanib-pwersa sa pagsuporta sa galing ng Pilipino
Toni Gonzaga

MANILA, Philippines — Sa kabi-kabilang tagumpay ng mga Pilipino na nasaksihan ng buong mundo, isang awitin ang iniaalay ng ABS-CBN bilang pagpupugay sa ga­ling ng Pinoy.

Pinamagatang Galing Natin Ito! at kinanta ng 27 Kapamilya at OPM artists, ibinibida sa kanta ang puso, isip, at lakas ng Pilipino anuman ang kanilang haraping hamon at pagsubok sa buhay.

Napanood ang recording music video ng Galing Natin Ito! sa laban ni Sen. Manny Pacquiao at Keith Thurman na eksklusibong napanood sa mga platform ng ABS-CBN, kabilang ang Channel 2, SKY Sports PPV, S+A, at iWant.

Tampok sa awitin ang mga tinig nina Angeline Quinto, Bamboo, Billy Crawford, Daniel Padilla, Darren Espanto, Erik Santos, Gary Valenciano, Inigo Pascual, Jason Dy, Jed Madela, Kyla, KZ Tandingan, Martin Nievera, Moira dela Torre, Morissette Amon, Ogie Alcasid, Piolo Pascual, Regine Velasquez-Alcasid, Sarah Geronimo, Shanti Dope, Toni Gonzaga, TNT Boys Mackie Empuerto, Francis Concepcion, at Keifer Sanchez, Yeng Constantino, at Zsa Zsa Padilla.

Layunin ng awitin na magkaisa ang mga Pilipino sa pagpapakita ng suporta sa kapwa Pilipino, na gumagawa ng pangalan at itinataas ang bandera ng Pilipinas sa kani-kanilang larangan at propesyon. Kabilang diyan ang mga atleta gaya ni Pacquiao na patuloy na gumagawa ng kasaysayan sa boksing, ang mga beauty queen tulad nina Pia Wurtzbach at Catriona Gray na tinanghal na Miss Universe dahil sa kanilang ganda, talino at adbokasiya, at ang libu-libo pang mga Pilipino na gumagawa ng marka sa mundo.

Ang Galing Natin Ito! ang opisyal na kanta ng National Cheer Campaign na inilulunsad ng ABS-CBN upang ipagdiwang ang tagumpay ng mga Pilipino at bigyang inspirasyon ang sambayanan na magkaisa upang mailabas ang galing at potensyal ng bawat isa.

Maaaring kantahin ang Galing Natin Ito! bilang pambansang cheer sa mga kompetisyon sa iba-ibang larangan tulad na lang ng ginagawa sa mga laban sa basketball, volleyball, boxing at football, para bigyan ng karagdagang lakas ng loob ang ating mga kababayan at upang ipaalam din sa mundo ang galing ng Pilipino.

Ilalabas din sa mga susunod na araw ang buong music video kung saan mas mapapanood pa ang cheerleading at hatawan mula sa JRU Pep Squad, Mapua Cheerping Cardinals, Arellano Cheif Squad, UPHSD Altas Perpsquad, at UST Salinggawi Dance Troupe, pati mga dance crew na Precom, Aces PH, at Prime, na magsasama-sama sa unang pagkakataon.

Gawa nina Jerome Clavio, Jan Dormyl Espinosa, at Tiny Corpuz ng ABS-CBN Creative Communications Management ang mga salita sa kanta kasama sina Gloc-9 at Shanti Dope, habang ang musika ay likha ni Thyro Alfaro.

Nasa likod ng music videos ang mga direktor na sina Paolo Ramos, Peewee Gonzales, at Lorenz Morales, ang kanilang creative directors na sina Elirose Borja at Patrick de Leon, mga producer na sina DJ San Jose, Jerome Clavio, at Lara Allardo, at choreographer na si Ruf Rosario.

vuukle comment

TONI GONZAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with