^

Pang Movies

Marjorie nanahimik

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Pati si Marjorie Barretto nag-disable na ng Instagram (IG) account niya, ayaw nitong makipagsagutan pa sa netizens lalo na sa bashers ni Julia Barretto. Basta ang last post nito, ide-demanda niya ang fan na nag-upload ng picture nina Julia at Gerald Anderson.

Nauna pang mag-disable ng IG account si Julia, kaya hindi nababasa ang comments ng bashers. Ang iniisip nito ngayon ay magbakasyon sa beach lalo’t patapos na ang shooting ng Block Z movie nila ni Joshua Garcia. Though kahapon ay puwede na uling mag-comment sa IG ni Julia pero bandang hapon ay nag-disabled na naman.

Role ni Katrina mas bagay daw kay Glaiza

Surrogate mother ng mga anak ang karakter nina Wendell Ramos at Glaiza de Castro sa bagong Afternoon Prime ng GMA-7 na Prima Donnas, ang role ni Katrina Halili. Siya ang magbubuntis at magsisilang sa tatlong anak nina Wendell at Glaiza at alam agad na baka hindi ibigay ni Katrina ang mga bata sa magulang nila.

Masaya si Katrina to be working with  Jillian Ward, Sofia Pablo at Althea Ablan at first time niya to work with Wendell, Aiko Melendez and Chanda Romero.

Dahil hindi binanggit si Gina Alajar, ang da­ting sa amin, naging director na niya si Gina sa isa sa mga nauna niyang shows sa GMA-7.

Mas bagay sa role ng buntis si Katrina kaysa kay Glaiza dahil nagbuntis at nagkaanak na si Katrina, samantalang si Glaiza ay may dyowa pa lang at kung walang kokontra, baka magkaanak ng British dahil Briton ang BF.

Benjamin naging kamukha ni Quezon

Aliw ang photos na entry ni Benjamin Alves sa Old Age Challenge dahil sa three photos na pinost, consistent na kamukha niya si Pres. Manuel L. Quezon lalo ‘pag tumanda na siya.

Bagay na siyang gumanap sa role ni Pres. Quezon sa gagawing movie ng TBA Studios tungkol sa buhay ni Pres. Quezon.

Pero sa ngayon, sa role ni Eldon sa Dahil sa Pag-ibig muna siya focus at kailangang galingan pa niya ang acting ng lalaking niloko ang asawa dahil galit sa kanya ang Kapuso viewers. Hindi maiwasang may mag-comment na parang true to life ang role niya dahil babae rin daw ang rason ng break-up nila ni Julie Anne San Jose.

vuukle comment

MARJORIE BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with