^

Pang Movies

Mag-asawang magarbo ang kasal, may sabit pa sa mga supplier

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

More than a year nang kasal ang isang mag-asawa pero diumano’y may utang pa rin ang mag-asawa sa mga supplier nila ng kasal.

Yes, di pa raw nakakabayad si mister na magarbo naman talaga ang hinandog na kasal sa napangasawa. Yun nga lang, may sabit pa raw ito at hindi na masingil.

Waley daw kasing masyadong datung si mister eh may iba raw itong ginagastusan kaya hindi raw kataka-taka na hindi nga ito nakakabayad.

Jinkee at Mommy D. hinihintay sa labanang Pacman-Thurman

Ngayong araw na magaganap ang bakbakan nina Sen. Manny Pacquiao and Keith Thurman.

Hindi man masyadong kilala ng Pinoy si Thurman, siyempre marami pa rin ang gustong mapanood kung paano ang magiging laban at kapala­ran ng Pambansang Kamao at ng mas batang boksingero na si Thurman.

Bukod siyempre dun, hinihintay din ng fans kung anong susuutin ni Jinkee Pacquiao at ni Mommy Dionisia na laging agaw eksena sa tuwing may laban si Sen. Pacman.

Sa ABS-CBN na uli mapapanood ang laban niya pero open ang GMA 7 sa coverage.
Sa Las Vegas din ang huling laban ni Pacman vs. Broner na naalala ko ang kuwento nun na hindi rin masyadong kilala pero dinagsa pa rin ng mga Pinoy at ng mga Amerikano ang fight last January.

Maraming pulitiko naman ang hindi nakapanood ng Pacquiao-Thurman fight dahil sa gaganaping State of the Nation Address bukas.

Pijuan binawi ang Mikomoto Crown sa auction house

Oh binawi pala ni Aurora Pijuan ang kanyang Miss International crown sa auction house na unang nabalita na ang mapagbebentahan ay mapupunta sa mga mangingisdang lumubog ang bangkang sinasakyan sa West Philippine Sea.

Ayon sa reports, personal reason ang dahilan ng pagbawi ng dating beauty queen sa pagpapa-auction ng Mikimoto crown.

Kim parami nang parami ang negosyo

Parami nang parami ang negosyo ni Kim Chiu at ng kapatid niyang si ate Kam Chiu.

May bagong bukas na naman silang Maxi Mango na super patok ngayon sa mga mahilig sa dessert. “We are very happy to announce our newly-opened inline store located at the 2nd level of Gateway Mall. To Father Armand Tangi who’s always there for us, for always being a part of our success—maraming salamat, Father,” sabi ni ate Kam sa kanyang IG post.

Pila-pila ang mga bumibili dito kaya jackpot talaga ang magkapatid na Kam at Kim.

Suwerte si Kim na may ate siyang talagang nakatutok sa kanya.

vuukle comment

KEITH THURMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with