^

Pang Movies

Ilang eksena sa serye ni Coco, tinitipid?!

Vir Gonzales - Pang-masa
Ilang eksena sa serye ni Coco, tinitipid?!
Coco Martin

MANILA, Philippines — Heartbreaking ang eksena ng confrontation scene ni Baron Geisler sa kanyang inang may sakit sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Napakagandang highlight ito for Baron dahil todo iyak ang ina niyang maysakit habang sinusumbatan nito ang anak sa mali nitong gawain.

Makababag-damdamin ang naturang eksena pero iisa ang tanong ng manonood, sino raw kaya ang gumanap na nanay ni Baron sa said scene?

Sana raw ay hindi ito tinipid at mas mabuti na ang kinuha ay yung may specialty sa naturang mga eksena, halimbawa na rito si Ms. Perla Bautista o iba pang kilalang aktres.

Isa pang napansin ay puro bagets daw at mga guwapings ang gumaganap na kapulisan under Rey Malonzo. Karamihan ay nasa kategorya ng mga “the who”.

Well, opinion ito ng mga manonood kaya’t dapat lang bigyan ng atensyon.

MMFF entries kapulutan sana ng aral

May nagsa-suggest na sa darating na Metro Manila Film Festival, sana raw ay paiiralin ang pagkakaroon ng moral lesson ng mga entry na maglalaban-laban.

Sana raw ay hindi puro kalokohan ang mamayani at huwag nang gumamit ng lumang jokes na gasgas na sa pandinig ng moviegoers na mahal ang ibinabayad.

Carrot Man hinahanap

Teka, nasaan na ba ngayon si Carrot Man na si Jeyrick Sigmaton sa totoong buhay? Maituturing na sensational star si Carrot Man dahil marami ang tila ‘nabaliw’ sa kanyang kaguwapuhan.

Nabalita pa noon na pinangakuan ito ni Willie Revillame. Ano kaya ang nangyari?

Maine kapos na sa exposure?!

May nagkomento na hindi masisisi si Maine Mendoza kung lumipat man siya sa Kapamilya network. Tila kulang daw kasi ang exposure para sa aktres. Napapanood ito ngayon sa isang sitcom at nasa Eat Bulaga rin tuwing tanghali.

Sayang nga naman ang kasikatan ng aktres kung kakaunti lamang ang kanyang exposure.

Anyway, balitang mas mahal pa raw kasi ang kinikita ng mga artista sa commercial modeling nababayaran sila agad.

Happy birthday…

Birthday greeting to July born celebrities na sina Shiela Ysrael, Marco Sison, Wilma Doesnt, Sherwin Alfaro, Deo Macalma, Agnes Rustia, Roland Lerum, Mercy Llejardde, RK Villacorta, Armand Reyes, Julie Bonifacio at Adrian Panganiban.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with