^

Pang Movies

Dumi ng Maynila, binabantayan kung hindi tatantanan ni Isko

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Dumi ng Maynila, binabantayan kung hindi tatantanan ni Isko

Hindi ko mapaniwalaan ang mga ipinakita sa TV na decay at dumi ng Maynila na tila hindi nakita ng nakaraan na administrasyon.

Nakakaloka talaga dahil nasa paligid lang ng Manila City Hall ang mga dumi at malala na ang sitwasyon.

Hindi mo maiiwasan na magtanong kung totoo ba o panaginip lang ang mga ipinakita na dumi na araw-araw na nagaganap?

Paano nangyari na napakarumi ng rebulto ni Andres Bonifacio sa Bonifacio Shrine na katabi lang ng Manila City Hall?

Bakit hinayaan na gawin na tirahan ng mga homeless ang Bonifacio Shrine na imposible na hindi nalaman at nakita ng barangay officials at ng mga pulis? Imagine, sa dami ng mga makakatapak ng human waste sa Bonifacio Shrine, si Manila City Mayor Isko Moreno pa ang naging biktima?

Napakarumi rin ng Intramuros na puntahan ng mga turista. Kung ako ang turista, talagang matatakot ako na maglakad sa Intramuros dahil marumi na nga ang lugar, hindi pa safe ang pakiramdam.

Hindi bale nga kung malayo sa Manila City Hall ang Intramuros at ang Bonifacio Shrine pero napakalapit lang. Araw-araw, nagkalat ang mga tao at ang mga pulis sa mga nabanggit na lugar pero  mga naging bulag  at insensitive na sila.

Tingnan natin kung hanggang kailan at hanggang saan mapupunta ang mga discovery sa mga kamalian na binale-wala noon.

Sana nga, maibalik sa dati ang kagandahan ng mga lugar na winasak ng undisciplined Filipinos, maipagmalaki uli natin ang mga underpass sa Maynila, ang Manila Zoo, Intramuros at ang mga historical place. Sana, madaanan uli ng mga tao at ng mga sasakyan ang mga kalye na inari ng illegal vendors.

Tingnan natin if Manila will shine brighter at kapag nangyari ito, talagang saludo ako kay Mayor Isko dahil hanggang ngayon nakatulala pa rin ako sa mga ipinakitang kasiraan ng siyudad.

Nagtataka talaga ako dahil  nakalagpas sa mga mata ni Papa Erap Estrada noong panahon ng panunungkulan nito.

Sana nga, maayos at maging maganda uli ang majestic City of Manila.

Social media sumbungan na!

Walang ligtas kay Mayor Isko Moreno ang mga tamad at iresponsable na barangay officials at policemen.

Active si Isko sa social media kaya mabilis na nakararating sa kanya ang mga reklamo ng constituents niya. Hindi na kailangan ng mga Manileño na humi­ngi ng appointment para makausap nang personal si Isko. Hindi na rin nila kailangan na magpadala ng sulat dahil isang click lang nila sa computer, nakakapag-post na sila sa Facebook page ni Isko ng kanilang mga reklamo at problema.

Parang si President Rodrigo Duterte si Isko dahil pinapangalanan nito sa kanyang Facebook Live ang mga barangay opisyal at police officers na lumalabag sa batas at nagtatamad-tamaran.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with