^

Pang Movies

Pops pinagtatawanan ang pagli-link sa kanila ni Chavit

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Pops pinagtatawanan ang pagli-link sa kanila ni Chavit
Pops Fernandez

Ang bakasyon ng grupo nina Pops Fernandez, Aiko Melendez, Direk Rechie del Carmen at iba pa sa Baluarte place sa Vigan, Ilocos Sur ni Narvacan Mayor Chavit Singson.

Sabi sa akin ni Direk Rechie, Saturday and Sunday lang sila sa lugar na ‘yon, pero sobrang nag-enjoy raw sila. Maalaga kasi si Manong Chavit sa kanyang mga bisita.

Kilalang malapit si Manong Chavit sa maraming mga taga-showbiz.

Si Pops, sobrang malapit kay Manong Chavit at may ibang mga nagli-link sa kanila, pero para sa Original Concert Queen, wala silang dapat iwasan dahil alam naman ng lahat na walang “something” sa kanila.

Natatawa na nga lang si Pops kapag iniintriga sila, huh!

Ogie tutok sa concert ni Ian

Grabe as in grabe, Ateng Salve, ang encore sa Green & Go fundraising concert nina Ogie Alcasid, Dingdong Avanzado, Randy Santiago at Gary Valenciano na ginanap sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City noong Saturday night.

Over din kasi ang pagmo-more ng mga nanood, kaya lalong ginanahan ang apat na kumanta.

Nang makausap ko nga si Ogie, sobrang happy siya.

Happy raw silang apat dahil maraming tumulong sa nasabing fundraiser ng La Salle Greenhills High School Batch ‘84.

Karamihan sa mga nanood, bumili na ng tickets ay nag-pledge pa ng tulong, huh!

Marami rin ang nag-suggest na magkaroon ng part two ang fundraiser na ‘yon.

Puwede rin daw na ang ibang singers na galing din sa LSGH ang mag-perform naman.

Anyway, after that, tutok naman ngayon si Ogie sa Ian: In Color concert ni Ian Veneracion na gaga­napin sa Music Museum ngayong Thursday at Friday.

Si Ogie at ang kanyang A-Team ang producers ng concert ni Ian at almost soldout na raw ang tickets.

Magandang Buhay at Mars binabantayan ang ratings

Aabangan ngayon ang paglabas ng ratings ng tapatan kahapon ng Magandang Buhay nina Karla Estrada, Melai Cantiveros at Jolina Magdangal sa new morning show ng GMA 7, ang Mars Pa More.

Sina Daniel Padilla at Ian Veneracion ang mga guest ng Magandang Buhay at si Alden Richards naman ang pambato ng new show ng Kapuso network.

Sino kaya ang panalo?

Hindi naman buong oras ng Magandang Buhay ang katapat ng new morning show nina Camille Prats at Iya Villania dahil maiksi lang naman ‘yon compared sa morning show ng ABS-CBN na more than three years na sa ere.

Kahit galing ng GMA News TV ang Mars, naiba na ito nang ilipat sa main channel ng Siyete lalo na at nawala na sa show si Suzi Entrata.

vuukle comment

POPS FERNANDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with