^

Pang Movies

Alden lilipat na sa ABS-CBN?!

Vir Gonzales - Pang-masa
Alden lilipat na sa ABS-CBN?!
Alden Richards

MANILA, Philippines — Mukhang maganda ang magiging resulta ng unang pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo na Hello, Love, Goodbye ng Star Cinema. Todo kasi ang pagpo-promote nila rito. Willing pa ang fans ng dalawa na gumastos ng malaking pera at magpablock screening para sa pelikula ng kani-kanilang mga idolo.

Samantala, nabalitaan namin na pinayagan daw si Alden ng GMA-7 na mag-apir sa ABS-CBN kung saan ipo-promote rin niya ang nasabing pelikula. Posible kayang lumipat na rin si Alden sa Dos? Tignan na lang natin.

LT napapa-ibig na si Rowell!

Dati-rati ay pangiti-ngiti lang ang drama ni Lorna Tolentino sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, pero ngayon mukhang mahuhulog pa sa kamay niya si Rowell Santiago na gumaganap bilang presidente sa nasabing serye.

Pa-iibigin ni LT ang aktor dahil gusto niyag maging first lady.

Komento ng iba, bakit parang ang dali namang makalimot ni Rowell sa kanyang namayapang pamilya.

Sen. Bong Go maraming pangako sa pelikulang Pilipino

Magaganda ang ipinangako ng bagong upong senador na si Bong Go, tutulungan daw niya ang pelikulang Pilipino at hinding-hindi raw niya ito pababayaang matalo ng mga dayuhang producers na humahakot ng pera na galing sa bulsa ng mga Pinoy.

Dapat daw para matupad ang layunin ni Sen. Bong Go ay ibahin at pagandahin ang tema ng mga pelikula, kung pulos daw kabaklaan, kalokohang istorya, sampalan, murahan at patayan ang mapapanood, tiyak hindi tayo mananalo sa mga dayuhan.

Nora pararangalan sa Subic Bay Film Festival

Sa June 22 at 23, isang napakasayang okasyon ang magaganap sa Subic, Zambales para sa ikada­lawang taon ng Subic Bay Film Festival na dadaluhan ni Superstar Nora Aunor kung saan nakatakda rin siyang parangalan. Last year ay ang batikang director-actor na si Eddie Garcia ang nabigyan ng parangal kasama si Direk Elwood Perez, at ngayon ay si Nora naman kasama si Romy Vitug mula sa larangan ng photography.

Sina Mr. Vic Viscocho Jr, at Direk Arlyn Dela Cruz ang chairman nito at gaganapin sa Harbor Point, Ayala Mall, Subic Freezone, Zambales.

Mayor Isko, inaabangan kung anong gagawin sa mga basura ng Maynila

Anong klase kayang pamamaraan ang gagawin ng uupong bagong mayor ng Manila na si Isko Moreno para linisin at ibahin ang Manila? Paano malilimas ang mga nagkalat na basura at pulubing nagkalat sa kalye? Paano ibabalik ang kagandahan ng Lacson underpass na nagkaroon ng mall sa basement ng kamaynilaan. Well, young blood si Mayor Isko, kaya tiyak na may maganda siyang pamamaraan para sa bagay na ito.

Maligayang kaarawan!

Birthday greetings June born celebrants:

John Regala, John Lloyd Cruz, Iza Avendano, Carmencita De Keyser, Bettina Salvador, Cherie Gil, Rossana Ortiz at hermano mayor ng Baliwag, Bulacan na si Jeorge Allan Tengco.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with