^

Pang Movies

Jennylyn, hindi makalimutang napagkamalang may anak nung 14 pa lang

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Jennylyn, hindi makalimutang napagkamalang may anak nung 14 pa lang

Buong ningning na ibinunyag ni Jennylyn Mercado kung sino ang mga pasaway noong Season 1 ng Starstruck kung saan nga siya kabilang at nanalong Ultimate Female Survivor.

Ayon kay Jen ay sina Alvin Aragon, Yasmien Kurdi at Cristine Reyes daw ang mga pasaway noon. “Well, kasi lagi silang nag-aaway,” natatawang paliwanag ni Jen.

Ini-reveal ito ng aktres sa Unknown Question segment sa Inside Starstruck online show hosted by Kyline Alcantara na nagsimula last Monday.

Si Alvin daw kasi ay makulit talaga by nature kaya ang daming naiinis dito.

Si Yasmien naman daw ay palaging kaaway si Cristine at Nadine Samonte.

“Si Yasmien noon, nakakatawa kasi palagi silang nag-aaway ni Nadine, ni Cristine. So palagi siyang pumapatol sa mga kahit maliliit lang, nagagalit siya. Tapos nag-aaway sila talaga lahat palagi,” pagre-recall ni Jen.

Mas nakakaaliw ang pangalawang tanong kay Jen na sino raw ang pinaka-nakakatunaw ang titig sa lahat ng mga naging leading men niya.

“Dennis Trillo, ano ka ba? Kahit ikaw, alam mo ‘yung sagot, eh,” natatawang sagot ni Jen kay Kyline.

Pero sa tanong kung ano ang pinakamasakit na nabasa niya or narinig against her, ani Jen, ito raw ay noong nagsisimula pa lang siya at kasali pa sa Starstruck 1.

“Naalala ko, parang sinasabi nila, may anak na raw ako, ganu’n. Na matanda na raw ako na sumali (sa Starstruck). Siguro, medyo mature nga ang hitsura ko, pero wala akong anak.

“So, parang nahe-hurt ako, kasi siyempre, hindi ko naman alam na ganu’n pala sa showbiz, di ba? So, kailangan mong i-accept ‘yung ganu’ng klaseng ibinabato sa ‘yo,” saad ng Love You Two lead actress.

That time ay 14 years old pa lang daw siya pero pinipilit daw ng ibang tao na may anak na siya.

Anyway, 15 years ago nang sumali si Jen sa Starstruck 1 and since then, she has gone a long, long way. Kaya naman siya talaga ang masasabing living testament ng slogan ng show na “Dream. Believe. Survive.”

Miguel negosyante na rin

Nakakatuwa naman ang lead actor ng Sahaya na si Miguel Tanfelix dahil at his young age ay business minded na siya. Last year ay nagtayo ang young actor ng milk tea business na pinangalanan niyang Original Pinoy Milk Tea.

Ayon kay Miguel sa isang panayam ay wala naman daw masama kung magte-take ng risk at wala namang mapapala kung hindi susubukan.

Pero payo niya sa mga gusto ring magtayo ng business, dapat daw ay hilig mo rin ang negosyong itatayo mo at humanap ng tamang taong makaka­tulong sa ‘yo.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with