^

Pang Movies

Maine inaabangan ang pakikipagsayaw kay Dante Gulapa

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Maine inaabangan ang pakikipagsayaw kay Dante Gulapa

Right after natapos ang taping ni Maine Mendoza ng sitcom nila ni Bossing Vic Sotto na Daddy’s Gurl, nag-post agad siya sa kanyang Twitter:“Dante Gulapa is our special guest here in Daddy’s Gurl for next week’s episode and I swear sobrang bait niya, fun and adorable!  Naalaala ko yung thread na nabasa ko about him noon pa. Tuwang-tuwa ako sa kanya talaga! Proud #Gulapanatic here!”

Si Dante Gulapa ay ang viral former macho dancer na hinahangaan ni Maine. Minsan na nga niyang ginaya si Dante sa isang segment ng Eat Bulaga. Sinayaw niya ang Gulapa moves o ang eagle dance na siyang nagpasikat kay Dante, na talaga namang tinilian ng mga fans sa APT Studio.

Kaya ang inaabangan ng netizens iyong pagsayaw nina Maine at Dante sa Daddy’s Gurl na sasabayan pa nila ng kulitan na dinidirek ni Chris Martinez at mapapanood this Saturday, June 8.

Kyline maraming pinagkakaabalahan

Excited na si Kapuso tween star Kyline Alcantara nang siya ang mapili ng GMA Network para maging online host ng original artista search na Starstruck na nasa seventh edition na. Tatawaging Inside StarStruck ang segment ni Kyline.

“Na-excite po ako nang malaman kong ako ang napili nila na mag-host ng “Inside StarStruck,” sabi ni Kyline. “Mapapanood po ako sa official You Tube channel ng artista search everyday sa simula pa lamang ng show. Lalo po akong na-excite nang malaman kong sa segment ko iri-reveal ang Top 22 hopefuls na gagawin sa unang pagkakataon.”

Sa ngayon, kasabay ng paghahanda ni Kyline for StarStruck ang paghahanda rin niya bilang special guest ng The Sweetheart and the Balla­deer, featuring Julie Anne San Jose and Christian Bautista, together with Donita Nose and Super Tekla sa July 6, 8PM sa The Atrium, Limketkai Mall, Lapasan, Cagayan de Oro City.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with