^

Pang Movies

Maine inaabangan kung magpapa sexy na rin!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Maine inaabangan kung magpapa sexy na rin!

After almost four years in showbiz, ngayon lamang pumayag mag-pose for Cosmopolitan Philippines magazine si phenomenal star Maine Mendoza.

Matatandaan na very shy pa noon ni Maine nang makuha siyang host sa longest-running noontime show na Eat Bulaga, noong July 2015.             

Pero simula noon, Maine has gone a long way: endorsements na more than 20 na, pictorials sa iba’t ibang magazines, photo shoots for commercials, at ngayon nga lamang siya pumayag na mag-pose for Cosmopolitan Philippines.  Hindi naman sexy poses ang ginawa niya, last Monday afternoon at waiting na ang fans niya sa paglabas ng Cosmo PH magazine na cover siya.

Ang tanong, kapag nagkaroon ba ng Cosmo Bash na tulad nang ginagawa ng said magazine every year, sasama na si Maine sa celebrities na magmo-model sa show na medyo sexy na ang attire?

FY napuno ng tilian

Napupuno ng tilian at palakpakan at pagtawag sa mga names ng buong cast ng Finding You na dumalo sa red carpet premiere night ng dramady movie na tampok sina Jane Oineza, Barbie Imperial at Jerome Ponce. Dumalo rin ang iba pang members ng cast na sina Claire Ruiz, Kate Alejandro, Jon Lucas at Paeng Sudayan. May mga Kapamilya stars din na sumuporta sa kanila, like Donny Pangilinan.

Of course, very thankful si Direk Easy Ferrer sa success ng kanyang directorial debut sa Regal Entertainment, na nagpasalamat sa mga nanood. Nagpasalamat din si Direk Easy kay Ms. Roselle Monteverde at Mother Lily Monteverde sa opportunity na ipinagkaloob sa kanya.

Sa story ay tiyak mara­ming makaka-relate, tungkol kay Nel (Jerome) na may rare condition na “hyperthymesia” na hindi niya nalilimutan lahat ng mga details ng mga pinagdaanan niyang mga experience sa mga na­ging girlfriends niya.  At isa lamang ang very close sa kanya, ang best friend niyang si Kit (Jane), na tinutulungan siyang makalimutan ang mga bagay na iyon.  Pero paano siya matutulungan ni Kit na ikakasal na sa ibang guy?  Iyon ang malalaman ninyo, sino ba ang natagpuang tunay na nagmamahal kay Nel sa Finding You, na magsisimula nang mapanood in cinemas nationwide ngayong Wednesday, May 29. Rated PG (Parental Guidance) ito from the MTRCB.

Kasabay namang magso-showing ng Finding You ang horror film ng APT Entetainment na Banal. Tampok naman ang limang young stars, sina Bianca Umali, Miguel Tanfelix, Kim Last at Taki Saito ng Kapuso network at si Andrea Brillantes na isang namang Kapamilya actress.

Binigyan din ang movie ng R-13 classification ng MTRCB.  Kung mahilig kayong manood ng mga horror film, ito ang bagay sa inyo dahil talagang titili at mapapapadyak kayo sa takot sa mga eksenang mapapanood ninyo.

Meanwhile, pagkatapos ng showing ng Banal, babalik na muli si Taki, a Triple A talent ng APT Entertainment, sa Japan  para ipagpatuloy ang work niya as a member ng isang K-Pop group doon.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with