^

Pang Movies

John Lloyd nakipag-tsikahan kay Pres. Duterte!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
John Lloyd nakipag-tsikahan kay Pres. Duterte!
Martin Andanar at John Lloyd Cruz

Mas feel na ang pulitika?

Sa Malacañang Palace naman si John Lloyd Cruz nakita - sa isang dinner for President Duterte na ang common-law wife niyang si Honeylet Avanceña ang nang-imbita.

As usual naka-shades na naman ang namamahingang actor pero at least hindi sa kung saan lugar na lang, sa Malacañang na. Meron kasi siyang sightings sa jeepney, bumibili ng fishballs, namamasyal sa kung saan, etc.

Kaya lang, naloka ang mga nakakita sa selfie photo nila ni Sec. Martin Andanar dahil parang lubid ang ginamit ni JL na chain sa suot na shades. Yup. Malayo sa dating mga kagamitan niya noong aktibo siya sa showbiz.

Tanong tuloy nila, hindi ba siya inaalagan ng partner niyang si Ellen Adarna?

Anyway kasama  sa iba pang artistang namataan sa Malacañang ay sina Alex and Toni Gonzaga, Robin Padilla, Ruffa Gutierrez, Mayor Richard Gomez at marami pang iba.

Bawal daw ang cellphone sa nasabing event pero marami pa rin ang nagkalat sa photos sa social media kahapon.

Marian may pa-charity sa Mother’s Day

Sinabayan ni Marian Rivera ng charity ang negosyong bulaklak para sa Mother’s Day celebration.

Yup, aside from flowers, nagbebenta siya ng local cho­colates na ang lahat  ng kikitain ay mapupunta sa charity.

Nakatulong ka nga naman, nag-promote ka pa ng local product.

“Bilang ina, lubos na nagpapasaya sa akin na makita ang mga ngiti ng aking dalawang anak. Gusto kong maramdaman din ito ng kapwa kong Ina.

“Kaya naman ngayong Mother’s Day, kasama ang proudly-pinoy brand @aurochocolate, inihahandog namin ang Flora Vida X Auro Chocolate bar sa inyo sa halagang P250. Lahat ng kikitain mula rito ay mapupunta sa favorite charity ko.

“Help us give the gift of smile to another mother and her child this Mother’s Day! @floravidabymarian. Visit www.floravidabymarian.com to place your order,” post ni Marian kahapon.

Sa Linggo, May 12, na ang Mother’s Day kaya siguradong ngayon pa lang, dagsa na ang mga order sa Flora Vida by Marian.

Happy Mother’s Day sa lahat ng mga nanay sa buong mundo.

Sarah nag-trending sa kampanya

Nag-trending kahapon ang pagsama sa kampanya ni Sarah Geronimo kay reelectionist Senator Sonny Angara sa General Santos City. Kilalang supporter ni Sen. Sonny since 2013 ang Pop Princess.

As in dinumog si Sarah sa nasabing probinsiya at nagkalat ang mga video and photo nito sa social media kahapon.

Nauna nang sinabi ni Ms. Tootsy Angara, nang mag-guest siya sa digital program na Take It... Per Minute nina Nay Lolit Solis and Nay Cristy Fermin na walang pilitan ang naging endorsement ni Sarah and all for the love daw ‘yun.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

MARTIN ANDANAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with