^

Pang Movies

Baron at Piolo movie ayaw ipaalam na Lupang Hinirang ang title ng movie

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Kasama ni Direk Laurice Guillen ng Man and Wife  sa pelikulang ayaw ipaalam ang title sina Piolo Pascual at Baron Geisler at sa nakita naming BTS, Muslims ang karakter nina Direk Laurice, Baron at Piolo na dinirek ni Brillante Mendoza. Sa aming pagse-search, nalaman namin na Lupang Hinirang ang title ng movie. Kung bakit kailangang ilihim ang title, hindi namin batid.

Anyway, sabi ni Direk Laurice, modern version ng Gulong ng Pa­lad ang Man and Wife na tinatampukan nina Gabby Concepcion at Jodi Sta. Maria bilang sina Carding at Luisa at showing sa May 8. Ang Cineko Films ang producer ng pelikulang kasama rin sa cast sina Liza Lorena, Amy Austria, Edgar Allan Guzman, Klea Pineda, Francis Magundayao, Teroy de Guzman, Ina Feleo, Denise Laurel at Dexter Doria.

Matapos mapagkamalang may relasyon kay Rhian

Bianca at kapatid ng asawa ni Iza Calzado, nilantad na ang relasyon!

Kung magkakatuluyan sina Bianca King at ng boyfriend niya ngayon na si Ralph Wintle, magiging maghipag sila dahil kapatid ng husband ni Iza Calzado na si Ben Wintle ang BF ni Bianca. Natuwa ang friends ni Bianca na may BF at inspirasyon uli siya after ng break-up nila ng last relationship na isa yatang Villafuerte.

Sabi ng friends at supporters ni Bianca, right time na para siya’y mag-asawa at looking sa photo nila ni Ralph, sigurado raw na magiging maganda ang kanilang mga anak.

Nakakatuwa lang dahil may mga nag-akala palang gay si Bianca at may relasyon sila ni Rhian Ramos dahil laging magkasama. Ayaw nilang maniwalang best friends lang ang dalawang aktres, pero ngayon, nag-out na sina Bianca at Ralph, wala na sigurong mag-iisip na may relasyon sina Rhian at Bianca.

Kyline planong maglamyerda sa New York

Malapit nang magtapos ang Inagaw na Bituin, pero may kapalit agad na show sa GMA-7 si Kyline Alcantara. Bawal pa lang na isulat kung ano ang bago niyang show, basta matutuwa ang fans ni Kyline dahil hindi nila mami-miss ang favorite Kapuso star nila.

Kapag nag-last ta­ping day ang Inagaw na Bituin bago lumipad pa-New York si Kyline para sa Studio 7 Musikalye na gagawin sa Kings Theater sa Brooklyn sa May 11, hindi magmamadaling bumalik ng Pilipinas si Kyline. Puwede siyang mag-extend ng ilang days para makapamasyal sa New York, lalo’t first time niya at marami siyang lugar na gustong puntahan.

First sa itinerary ni Kyline ‘pag nasa New York ay ang manood ng Broadway show at nabanggit ang Frozen sa gusto niyang panoorin.

Dahil sa taping at shooting ng Black Lipstick noong Holy Week, hindi nakapagbakasyon si Kyline at noong Good Friday lang siya walang trabaho. Kaya nang yayaing pumunta sa Subic, agad itong sumama at kwento sa amin, parang batang nagtatakbo si Kyline.

vuukle comment

BARON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with