^

Pang Movies

Lorna ginagaya si Angelina Jolie?!

Vir Gonzales - Pang-masa
Lorna ginagaya si Angelina Jolie?!
Lorna Tolentino

MANILA, Philippines — Maraming nakakapansin at naninibago sa movement ng lips ni Lorna Tolentino habang nagda-dialogue sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Parang tinutularan daw yata niya si Angelina Jolie, maganda nga sana pero ang problema parang hindi nila maintindihan ang mga sinasabi ng aktres.

Umiikot ang bagong takbo ng istorya kay Lorna na nagmimistulang babaeng hunyango na nagpapahamak ng ilang karakter.

Ilan pa sa mga bagong karakter na pumasok ay si Raymart Santiago.

May mga komentong ang Ang Probinsyano raw ay takbuhan ng mga magagaling na artista pero wala namang ginagawang proyekto.

Yen dapat nang magpalit ng glam team!

Maganda ang role ni Yen Santos sa matatapos nang serye na Halik, pero maraming nakakapansin na hindi raw makuha ng kanyang hair stylist ang buhok na babagay sa dalaga.  Dapat daw nag-aayos si Yen dahil isa na siyang kilalang artista ngayon, maging sa pananamit daw ay tila hindi malaman ang babagay sa kanya.

Simple lang kasing manamit si Yen, pero bilang artista, dapat palagi siyang maganda.

Bagong Darna matatagalan pa

Tama lang siguro na hindi na ituloy ni Liza Soberano ang pelikulang Darna. Ang hirap gawin ng nasabing pelikula, lalo na kung puro palpak naman ang nangyayari. Una ay umatras na si Angel Locsin na unang choice para sa pelikula, pangalawa, nilayasan sila ng direktor na si Erik Matti at pumalit si Jerold Tarog, pangatlo, nang makahanap na sila ng bagong Darna sa katauhan ni Liza ay saka naman ito nagka-injury.
Siguro ay dapat na piliing mabuti ang susunod na Darna para mas worth it ang paghihintay ng taumbayan.

vuukle comment

LORNA TOLENTINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with