^

Pang Movies

JM wala nang bakas na nalulong sa droga!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
JM wala nang bakas na nalulong sa droga!

Hindi naman masasabing problema talaga basta sumubok ang isang tao na mag-droga. Ang mahalaga ay tanggapin niyang masama iyon at desidido siyang baguhin ang kanyang buhay. Kaya nga ang mga nagdo-droga, hindi naman sinasabing kriminal kung hindi mga biktima.

Isang napakagandang example niyan ay ang actor na si JM de Guzman. Minsan ay nagkamali rin siyang sumubok ng droga. May panahon pang kailangan niyang iwanan ang isang seryeng nasimulan na niya, tumigil siya ng isang taon at sumailalim sa rehab. Noong magbalik siya, may makapagsasabi bang minsan ay nagkaroon siya ng masamang bisyo?

Tinitingnan nga namin siya noong media lauch noong The Last Fool Show, wala sa hitsura niya iyong minsan ay nagkaroon ng bisyo sa droga.

Ang maliwanag, nagkamali man ang isang tao, kung talagang determinado siyang baguhin ang kanyang buhay magagawa niya iyan. Iyong mga nagbisyo, tapos ay bumabalik sa mga mali nilang ginagawa, mga timang iyan. Mga walang determinasyon para ilagay sa ayos ang kanilang buhay.

Alam na nila kung ano ang posibleng mangyari basta nahuli sila. Alam na nila kung ano ang mangyayari basta sinabi pang “lumaban sila”. Ngayon kung sa kabila noon ay hindi pa nga sila titigil sa kanilang masamang bisyo, aba eh sila na ang naghahanap ng sakit ng katawan nila.

Hindi namin isina-sample iyong malinis na hindi nagbisyo. Iyan na nga ang ginagawa naming example eh, si JM de Guzman. Nagkaroon ng bisyo, bumangon at ngayon mas mahusay pa ang buhay. Kaya hindi ninyo masasabing basta nag-addict wala nang pag-asa.

May magagawa sila para sa sarili nila.

Network war kasama sa nagpapahina sa kita ng mga pelikula!?

Kumita naman daw pala ng 40 million ang pelikulang Eerie ni Charo Santos sa loob ng unang apat na araw noon sa mga sinehan. Ang paniwala namin, mas malaki pa dapat ang kinita ng pelikulang iyan kung hindi nga lang dahil sa umiiral na sistema ngayon.

Noong araw, basta may pelikula, nagtutulung-tulong ang mga TV station para mai-promote ang mga pelikulang Pilipino. Tingnan nga ninyo si Kuya Germs, wala siyang pakialam kung anong network kayo basta artista at pelikulang Pilipino magiging guest ka sa programa niya.

Eh ngayon basta artista ng ABS-CBN, hindi makakapag-promote sa GMA-7. Basta artista naman ng GMA-7, ni hindi mo mababanggit ang pangalan sa ABS-CBN. Iyong promo ng pelikula ang nagiging limitado. Iyong kita ng pelikula ang tinatamaan. Bakit nga ba ang problemang iyan ay hindi ayusin?

Kung maaayos iyan, malaking tulong para sa pelikulang Pilipino.

Matinee idol bumibigay na sa kabaklaan!

 “Talagang bumigay na siya,” sabi ng isang talent manager tungkol sa isang dati niyang alaga. Matagal na panahon din nilang itinago ang kabaklaan noon. Ngayon hindi na nga maawat ang mga usapan lalo na at may lumabas pang internet video kung saan kasama noon ang kanyang boyfriend sa isang very intimate moment.

Ang problema, nagpapaka-matinee idol pa kasi eh. Bakit hindi na lang siya maging comedian kagaya nina Vice Ganda, Pooh at iba pa. Malaman man ng mga taong bading siya eh ano ba? Comedian naman siya. Ang problema, gusto kasi niyang makilalang matinee idol siya, eh malabo naman iyon.

vuukle comment

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with