^

Pang Movies

Zombie movie nina Julia at Joshua sabog agad!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa

Pagkatapos ng kanyang bonggang birthday party sa garden ng kanilang bahay, ang bago naman nilang pelikula ni Joshua Garcia ang pinagkakaabalahan ngayon ni Julia Barretto.

 

Sobrang excited nga ang JoshLia fans dahil nagsimula na ang shooting ng Star Cinema movie na Block Z.

Nagkagulo nga ang JoshLia fans nang i-report sa Twitter ni Julia ang post ng direktor nilang si Mikhail Red ng ilang pictures ng mga eksenang nakunan na nila.

Kasama sa mga na-post na pictures ni Julia ‘yung isang eksena nila ni Joshua with Maris Racal at McCoy de Leon, pati picture ng tila nagiging zombie na si Ina Raymundo.

Zombie movie ang Block Z, kaya excited ang mga fan.

Actually, na-excite rin ako, Ateng Salve, dahil favorite ko nga ang movies and TV shows na tungkol sa mga Zombie (although nawalan na ako ng gana sa The Walking Dead season 9).

For sure, maghi-hit ang Block Z movie na ito ng JoshLia love team.

Mukhang makakabawi sila rito after na hindi maging mega hit ang last movie nila na I Love You Hater na hindi ko na babanggitin kung sino ang major co-star nila at baka mag-react pa, huh!

Pops at Princess nag-bonding

Kahapon ay ka-text ko si Pops Fernandez. Nasa Los Angeles, California pa rin siya. Sabi niya, busy siya sa meetings. Inusisa ko naman siya tungkol sa picture nila ni Princess Punzalan na pinost niya sa social media.

“We had lunch,” text ni Pops sa akin.

Mukhang busy pa si Pops sa mga ka-meeting niya, kaya hindi pa siya masyadong makapagkuwento sa pagkikita nila ni Princess.

Ang inaabangan ngayon ng mga fan ay kung magkikita rin ba si Pops at ang kaibigang si Dayanara Torres na may skin cancer at kasalukuyang nagpapagamot.

The last time na matanong ko si Pops kung magkikita ba sila ni Dayanara ay sinabi niyang hindi sure dahil nga sa kalaga­yan ngayon ng kaibigan.

Serye ni Angel susubukan nina Bianca at Miguel

Aabangan bukas ang tapatan ng Sahaya ng GMA-7 at The General’s Daughter ng ABS-CBN.

Magpa-pilot telecast ang Sahaya bukas sa GMA Telebabad kapalit ng Onanay.

Bale tumagal ng 32 weeks ang Onanay at consistent ito sa pagkakaroon ng magandang ratings.

May mga pagka­kataon na natalo ito ng series ni Angel Locsin, pero nakakabawi rin naman.

Matalo rin kaya ng Sahaya ang The General’s Daughter simula bukas?

Samantala, maninibago ang mga fan na sa GMA-7 na uli mapapanood si Mylene Dizon na kasama sa Sahaya.

Dahil nga pala sa paglipat sa Siyete, nabuhay na naman ang issue sa pagitan ng aktres at ni John Estrada na nakasama niya noon sa The Good Son series ng Dos.

Ngayon, may mga pilit na namang nang-iintriga sa kanila dahil pareho na silang nasa Kapuso network at may Kara Mia nga si John.

Pero mukhang wala namang balak magbanga­yan pa ang dalawa.

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with