^

Pang Movies

Loveteams uso ang swapping!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Loveteams uso ang swapping!

May rigodon ng love teams ngayon. Sinimulan ito ni Nadine Lustre nang magsolo siya sa Ulan katambal si Carlo Aquino sa halip na ang boyfriend niyang si James Reid. Si Alden Richards ay iba rin ang katambal ngayon, si Kathryn Bernardo sa halip na ang boyfriend na si Daniel Padilla. Humihirit ngayon ang mga fans ni Maine Mendoza na sana raw ay igawa naman ang Daniel-Maine.

Jasmine walang pinipiling role

Si Jasmine Curtis Smith ang tipo ng aktres na hindi maarte sa pagtanggap ng mga role na inio-offer sa kanya. Kahit maikli lamang pero tatatak naman sa isip ng mga manonood, tinatanggap niya.

Second project pa lamang ni Jasmine sa GMA Network ang Sahaya pero tinanggap niya ito kahit sa pilot week lamang siya mapapanood.

“Nang i-offer po sa akin ang role ni Manisan, ang young mother ni Sahaya (Bianca Umali), isang Badjaw woman na mai-inlove sa isang Kristiyano, played by Gil Cuerva, mabubuntis niya ako at iiwanan dahil hindi raw siya puwedeng pakasal sa isang Badjaw dahil Kristiano siya, at iniwan niya ako na hindi niya alam na dala-dala ko na ang anak namin, alam ko pong tatatak ito sa isipan ng mga manonood dahil ipakikita ni Manisan kung gaano niya minahal si Sahaya at tinuruan ng kagandahang-asa,” sabi niya.

“Bukod po sa story, ipinakita rin nila sa amin ang set na itinayo sa Calatagan, Batangas.Refreshing po ng makakita ng ganoon sa isang teleserye at kahit po sa teaser na ipinakita nila sa amin, alam kong magugustuhan ito ng mga manonood. Sayang nga lamang na hindi ko nakasama sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, pero during the Badjaw dance rehearsals namin para sa serye nakakasama ko sila.”

May exclusive contract si Jasmine sa GMA kaya wala siyang problema kung may kasunod na rin agad ang Sahaya. Unexpected nga raw niya na may bago agad siyang serye. Kailan lamang natapos ang first series niya ang romcom na Pamilya Roces. Open din si Jasmine kahit anong project at kahit sino ang kanyang magiging leading man.

Sa Monday, March 18 na ang world premiere ng Sahaya after ng Kara-Mia.

Ilang Kapuso series mapapanood na sa Latin-America!

Dumating sa bansa ang representatives ng Latin Media Corporation (LMC), sina CEO Jose Escalante and his wife Mrs. Maria Andreina Escalante, para sa contract signing nila with GMA Network, para maipalabas ang mga teleserye ng GMA sa Latin-American viewers na dubbed in Spanish. May mga nauna nang ipinalabas doon tulad ng Hanggang Makita Kang Muli nina Bea Binene at Derrick Monasterio, at ang Impostora ni Kris Bernal.

Ngayon, ang kinuha naman nila ay ang My Special Tatay nina Ken Chan at Rita Daniela na kasalukuyan pang ipinalalabas ngayon dito at ang Onanay nina Jo Berry, Mikee Quintos at Kate Valdez, na magtatapos na tomorrow, March 15.

Ipinakita nga nila ang ilang eksena na dubbed na in Spanish at tuwang-tuwa sina Bea, Derrick, Kate, Mikee, Kris Bernal, Rita Daniela at Ken Chan, na napapanood nila ang sarili nilang nagsasalita in Spanish.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

JAMES REID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with