^

Pang Movies

Yassi balik sa pagiging singer

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Yassi balik sa pagiging singer

Muling nagbabalik sa music scene si Yassi Pressman sa single nito na Sa Wakas na ini-released ng Viva Records at isinulat ni Quest.

 

Curious ang kanyang fans kung kanino raw nito dine-dedicate ang nasabing kanta. Hula ng iba, baka raw nakita na ni Yassi sa wakas ang kanyang forever.

 

Siyempre malikot ang imahinasyon ng fans, lalo na iyong mga adik sa teleseryeng FPJ’s Ang Probin­s­yano at sa tambalan nila ni Coco Martin bilang Cardo at Alyana. Pero alam naman ng marami na malabong magkaroon sila ng love angle ni Coco dahil ang napapabalitang matagal nang girlfriend ni Coco ay ang aktres na si Julia Montes at aminado naman si Yassi na siya ay single pa rin.

Nagkaroon pa nga ng balita noon na nagseselos diumano si Julia sa closeness nila ni Coco.

Samantala, kasabay ng kanyang pagbabalik sa pagkanta, nag-launch si Yassi ng libro na Say Yass To Happiness kamakailan lang sa mismong buwan ng mga kababaihan. ilan sa mga nilalaman ng kanyang libro ay ang mga tulang kanyang isinulat, yes, bukod sa pagsayaw at pagkanta, gumagawa rin daw siya ng tula.

Ginawa niya ang nasabing libro para sa mga kababaihan na ma-inspire lalo sa kanilang mga ginagawa.

Bukod sa pagiging dancer, singer at author, siya rin ngayon ay isa nang blogger.

vuukle comment

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with