^

Pang Movies

Alone/Together ng LizQuen lumalaban sa foreign film!

VEROFIED - Veronica Samio - Pang-masa
Alone/Together ng LizQuen lumalaban sa foreign film!

Sayang naman at napakaikli lang ng role ni Jasmine Curtis Smith sa pelikulang Alone/Together nina Enrique Gil at Liza Soberano.

 

Nag-level up na ang acting ng dalawang bida, tiyak na maninibago ang fans nila dahil matured at kakaiba ang roles nila, ‘di na pa-tweetums. Matutuwa rin at the same time ang mga ito dahil napakaraming kissing scenes ng dalawa sa movie.

 

Muli, nahagip ni direk Antoinette Jadaone ang kiliti ng mga manonood, kaya nakaka-relate ang lahat. Lumalaban nga ito sa napaka-lakas na Captain Marvel, isa kontra limang sinehan sa Fairview Terraces.

Nag-level up na ang acting ng mga pangunahing loveteams ng bansa --Kath­Niel, LizQuen, JoshLia. This early sina Julia Barretto, Kathryn Bernardo at Liza Soberano ang maglalaban-laban for best actress.

John paghanga lang ang nararamdaman kay Angel

Hindi naman pala romantic love ang nararamdaman ni John Arcilla kay Angel Aquino. Kaya walang dapat ika-insecure ang partners nila. Bunga lang ito ng paghangang nararamdaman ng magaling na aktor sa magaling din niyang co-star na kasama niya sa kasalukuyang serye na FPJ’s Ang Probinsyano.

IBC-13 maraming mabibigyan ng trabaho!

Sana nga ay mapasikat ni Kat de Castro ang IBC-13. Marami ang mabibigyan nito ng trabaho. Better choice ito sa maraming nag-aalok ng bagong shows na libre lamang sa simula pero, kapag nagtagal-tagal na ay dagdag gastos na rin sa mga manonood.

vuukle comment

LIZQUEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with