^

Pang Movies

Maja Salvador nakaplano nang pakasalan ang nakabalikang BF!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Maja Salvador nakaplano nang pakasalan ang nakabalikang BF!
Maja Salvador at Rambo Nuñez

Is love nga ba truly lovelier the second time around?

Mukhang ganoon na nga ang dating para kay Maja Salvador at sa former boyfriend nitong si Rambo Nuñez na kanyang naka-reconcile kamakailan lang.

They were lovers nine years ago. And although, in love daw si Maja kay Rambo noong mga panahong iyon, she decided to break up with him in favor of her then promising pa lang na showbiz career.

Ayaw nang i-detalye ni Maja kung paano sila muling nagkita ni Rambo, basta once more daw, sa kanilang muling pagkikita na-realize niya kung bakit minsan na-in love siya kay Rambo.

So, will wedding bells finally ring for the two of them? They are not both in their 30s.

“They will,” susog ng isang close to the duo. “At the right time.

“Let them enjoy muna their reconciliation,” patuloy pa ng friend ng dalawa. “And for them to discover more about each other.”

Lorna ayaw pang ibuking ang magiging role sa AP!

Muling masasabak si Lorna Tolentino sa action scenes ngayong kasama na siya sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

At home dati sa mga pelikulang action si Lorna, when her late husband, action star Rudy Fernandez ay aktibo sa action films at producing action movies, kaya excited daw siya sa pagpasok niya sa Ang Probinsyano.

Ganunpaman, ayaw pang magsalita ni Lorna   tungkol sa kanyang role, pero excited siya sa bagong kabanatang ito sa kanyang acting career.

Last na napanood si Lorna sa series na Asintado, kung saan nakatrabaho niya sina Julia Montes, Agot Isidro, Paulo Avelino at Aljur Abrenica, among others.

Charo nasubaybayan ang paglaki ni Bea

Impressed si Charo Santos-Concio kay Bea Alonzo as an actress. She first met Bea daw when she was only 13. Kaya somehow, nasubaybayan niya ang landas na tinahak nito.

She admitted that Bea was one of the reasons why excited siya na gawin ang thriller na Eerie na idinirek ni Mikhail Red.

Ang galing na raw ni Bea. May kakaibang approach daw ito sa role na assigned to her.

Equally impressed din siya kay direk Mikhail, na sa edad na 27 ay unti-unti nang nakakagawa ng marka sa pagdidirek both dito sa Pilipinas and internationally.

Eerie is scheduled to be shown sa ilang cities in Asia, as Star Cinema, the local producer of the movie, has for its co-producer a Singaporean film firm.

While Eerie marks Bea’s first time to do a horror film, pang second na ito for Charo, who appeared sa pelikulang Itim, a thriller directed by Mike de Leon in 1976.

Her performance in Itim won for Charo a best actress trophy from no less than the Asian Filmfest.

Will history repeat itself? Charo was asked.“I’m keeping my fingers crossed. Although, natural na ang judges ang magde-decide niyan.

“Ang prayer ko lang ay kumita ang pelikula, hindi lang dito sa Pilipinas, kung hindi sa lahat ng region sa Asia na ipapalabas ito. Para naman,” ani Charo, sabay hinga ng malalim. “Magkaroon pa tayo ng maraming co-production films not just sa Singapore, but all over the world.”

Liza at Enrique gusto ring makagawa ng horror film!

Guess who are excited na mapanood ang movie na Eerie sa premiere nito on March 26?

The answer : Liza Soberano at Enrique Gil.

Pareho silang impressed sa trailer pa lamang nito, kaya naman sure raw na panonoorin nila ito.

Ayon pa sa dalawa, dream daw nilang makagawa ng horror someday. ‘Yon daw talagang nakakatakot na parang  Eerie.

Showing pa rin in theaters nationwide ang film ng dalawa, ang Alone/Together, which is said to have grossed close to P400-M during its four week of showing.

vuukle comment

MAJA SALVADOR

RAMBO NUñEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with