^

Pang Movies

Gelli de Belen first time maging kabit!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Gelli de Belen first time maging kabit!
Gelli de Belen

First time gaganap si Gelli de Belen ng role ng isang lost na single woman na may relasyon sa isang married man. Yes. isang mistress si Gelli de Belen sa pelikula nila ni Bayani Agbayani na Pansamantagal. Pati ang ibang dialogue niya na may kakaibang salita ay ngayon lamang niya bibigkasin.

Hindi ba siya nag-dalawang-isip tanggapin ang role? Nagpa-sample sana kami ng dialogue ni Gelli pero hindi siya pumayag.

“Kapag napanood na lamang ninyo,” natatawang sagot ni Gelli. “Wala, hindi ako nag-hesitate tanggapin ito, iyon nga lamang sa dialogue, pero natuwa ako kasi ngayon ko lamang nasasabi ang mga words na iyon.”

Hindi ba naman siya pinigilan ng husband na si Ariel Rivera?

“No, wala siyang negative reaction nang ikuwento ko ang story ng movie. Ganoon naman kami ni Ariel, wala kaming pakialaman sa mga project  na ginagawa namin. Sina­sabi lamang namin kung ano ang role at story nito. Ang medyo nag-react ang mga anak namin, si Julio, medyo conservative kasi iyon. Si Joaquin na-intriga, pero okey lamang sa kanya.”

Samantala, tungkol naman sa tambalan nila ni Bayani, kuwento ni Gelli, “First time naming magtambal ni Bayani sa “Confession of a Torpe” at ngayon lamang ulit.  Nakakapagod si Bayani, nahihirapan akong pigilin ang pagtawa dahil mahilig siyang mag-adlib, mahusay na comedian, spontaneous siya sa pagdi-deliver ng dialogue, he’s really very funny, ang husay niya sa timing.”

Pero kung nagpapatawa man daw sila sa movie, hindi ito straight comedy, isa itong dramedy na kinunan nila ang kabuuan sa napakagandang location nila sa Bolinao, Pangasinan.

Biniro namin si Gelli kung may kissing scene ba sila ni Bayani sa movie?

“Secret!” lang ang sagot niya.

Katatapos lamang niyang gawin ang Ika-5 Utos sa GMA-7 at wala pa raw siyang bagong offer. Gusto rin daw muna niyang magbakasyon sa Toronto, Canada sa mga anak nila. Babalik na raw lamang siya kung may bago na siyang project.

Kasama nina Gelli at Bayani sa Pansamantagal sina DJ Cha Cha, Ronnie Lazaro at Perla Bautista. Directed by Joven Tan, mapapanood na ito simula sa Wednesday, March 20, in cinemas nationwide.

Christopher de Leon nagalingan kay Kylie!

Nadagdag sa cast ng TODA One I Love si dramatic actor Christopher de Leon.

Hindi ba siya nagdalawang-isip tanggapin ang role niya sa romantic-comedy series ?

“Natuwa pa nga ako nang i-offer sa akin and I’m thankful na maiiba naman ang role na ginagampanan ko,” sabi ni Boyet. “Matagal na ring hindi ako nagpapatawa sa project ko, puro serious roles na lamang ang ginagampanan ko.  At natuwa ako sa taping dahil very light lamang ang mga eksena.

“Happy din ako na first time kong nakatrabaho si Kylie Padilla, mahusay siya, anak nga siya ni Robin Padilla. At kahit ang ibang kasama sa cast, first time ko rin silang nakasama like si Ruru Madrid, David Licauco, saka iba pa. Masaya rin ako na katrabaho ko sina Gladys Reyes, Victor Neri. Salamat sa kanila.”

Ang TODA One I Love ay mula sa GMA News & Public Affairs at napapanood pagkatapos ng Onanay.

vuukle comment

GELLI DE BELEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with