^

Pang Movies

Nonie Buencamino nagsalita sa pagpapakamatay ng anak!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Nonie Buencamino nagsalita sa pagpapakamatay ng anak!

Sa unang pagkakataon ay nagsalita na ang award-winning actor na si No­nie Buencamino tungkol sa pagpapakamatay ng kanyang anak na si Julia Buencamino noong 2015.

 

Kung matatandaan ay natagpuan ang 15-year old daughter nila Nonie Buencamino at Shamaine Centenera-Buencamino na nakabigti sa kuwarto nito.

Never na nagsalita tungkol sa pagkamatay ng kanilang anak sina Noni at Sha­maine. Pinili nilang maging tahimik na lang sa nangyaring trahedya sa pamilya nila.

Pero nagawa na ngang basagin ni Nonie ang kanyang katahimikan sa ABS-CBN program na Tonight With Boy Abunda. “It’s closer to I’m not afraid to die. It has something to do with my daughter passing away which is so unexpected. It made me realize that puwedeng mangyari anytime…

“’Yung pag-asikaso ko sa kanya sa pagkamatay… nakita ko siyang patay dun sa harap ko. And then it makes me realize it happens to everybody and it’s bound to happen and it happened so early with her and it can happen to me tomorrow,” diin ni Nonie.

Hinihikayat ni Nonie ang maraming magulang na maging aware sa activities ng kanilang mga anak. Hindi nga raw nila alam ni Shamaine na may pinagdadaanan palang mabigat ang anak nilang si Julia na siyang nagdulot ng mental illness dito at nauwi sa suicide.

“Marami siyang itinago sa amin. Marami siyang front. I would like to think she’s a good actress. And she was able to hide it. 

“Pero ang dami niyang itinago sa diaries niya, sa art work niya, sa kanyang poetry. Dun lang namin nakilala kung ano yung pinagdadaanan niya. 

“So she was going through a deep form of depression and she was hurting herself from the time she was 12 until she was 15.

“’Yung mga bagay na hindi magandang nangyayari sa kanya. Parang akala namin normal lang. Nakipag-away sa classmate niya… yun pala malalim pala. 

“Meron pala siyang form of illness and that makes it worse. Kasi yung perception nag-iiba dahil sa merong chemical imbalance.

“Look more deeply into the activities of your children and what they’re doing and what they’re going through,” pahayag pa ni Nonie Buencamino.

Ex na si Sammie masaya para kina Maine at Arjo

Nilinaw na rin ng ex-girlfriend ni Arjo Atayde na si Sammie Rimando na maayos daw ang lahat noong maghiwalay sila nito at masaya ito kay Arjo dahil sa relasyon niyo kay Maine Mendoza.

November 2018 pa raw nag-break sina Sammie at Arjo. Kaya noong ma-link na raw si Arjo kay Maine noong ginagawa nila ang pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles, tapos na raw ang relasyon nila. 

“Ayoko sanang magbigay ng comment… Hindi naman sa wala akong connection, but it’s their personal life. Basta masaya ako kasi masaya siya,” sey pa ni Sammie.

Malaking tulong din daw na single ngayon si Sammie dahil mas makaka-focus na ito sa kanyang showbiz career. Member si Sammie ng girl group na GirlTrends na napapanood sa It’s Showtime.

Hindi raw muna ito magbo-boyfriend dahil pahinga raw muna siya sa ganyan para mas makatutok siya sa career.

“Sa ngayon, ayoko muna, magpo-focus muna ako sa career since yun din ang napag-usapan namin,” pagtapos pa ni Sammie Rimando.

vuukle comment

NO­NIE BUENCAMINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with