Kim, Hermes ang reward sa mga pagpapagod!
Hindi pala nakakatulog ng tahimik si Kim Chiu.
Kailangan may naririnig siyang ingay pag matutulog dahil pakiramdam niya may multong bubulong sa kanya.
Napa-praning daw siya pag sobrang tahimik.
At ang solusyon niya para may ingay, electric fan na may tunog para mas makatulog agad.
Sa kanyang V blog kahapon, sinabi rin niyang dapat ang toilet bowl ay laging nakasara kasi pag naka-open, nakaka-attract ng negative energy / vibes. Yup, pati pala ‘yun nakaka-nega.
Dapat daw ang public toilets lang naka-open ang mga toilet bowl.
Itinour kasi ni Kim ang kanyang YouTube followers sa kanyang room at kasama ‘yun sa nadiskubre sa kanya.
Pinakita rin ni Kim sa nasabing blog ang collection niya ng designer bags na sobrang dami.
Bongga ang collection niya ng Hermes, Channel, Gucci, Valentino, LV, Prada at iba.
Pero sabi nga ni Kim reward naman niya ‘yun sa lahat ng hard work niya na pag nakikita.
“Ito talaga ang hirap ang everything,” paliwanag niya sa maraming bag.
Isa si Kim sa mga artista talaga naman naayos ang perang pinagpaguran at pinaghirapan sa tulong ng kapatid niyang si Kam Chiu.
- Latest