^

Pang Movies

Heaven at McCoy matagal ‘naghanapan’

VEROFIED - Veronica Samio - Philstar.com
Heaven at McCoy matagal �naghanapan�

Dumating na marahil ang matagal nang hinihintay na suwerte ni Heaven Peralejo. Matagal-tagal na rin itong nag-aartista pero hindi maabot ang inaasahang stardom. Maganda naman siya, marunong umarte pero lubhang napaka-ilap ng suwerte.

Buti na lamang at sa isang buwang episode ng Wansanataym ay sa kanila naibigay ni McCoy de Leon ang roles ng mga bida.

Nakita at naisip ng lahat na puwede pala silang tandem, maganda ang chemistry nila at puwedeng sugalan. Baka silang dalawa ang matagal nang hinahanap ng isa’t isa para masimulan na ang proseso ng pagbi-build up sa kanila nilang loveteam.

Wala nang ka-loveteam ang #Hashtag member na si McCoy dahil buwag na sila ni Elisse Joson. Matabang ang naging pagtanggap ng manonood sa kanilang launching film pero ang pagsasama nila ni Heaven sa Wansapanataym ay tinanggap ng buong giliw.

Gagawa na rin sila ng pelikula, isa pang magandang dahilan para umasa sa isang magandang pagbabago ang dalawang kabataang artista na bago pa natagpuan ang isa’t isa ay mayro’n na palang pagkakamabutihan na nagaganap.

Moira kapos sa rehearsal, nawawala na sa tono

Sayang dahil kung kailan nasa kaibuturan na ng kanyang karera bilang singer si Moira dela Torre ay saka pa siya naging biktima ng isang hindi magandang pangyayari sa kanyang karera.

Sa isang appearance niya sa ASAP Natin ‘To ay nawala siya sa tono sa kanyang pagkanta ng isang OPM classic. Hindi nagawang maitago ito ng mga nakasama niya sa pagkanta na sina Kyla at Dulce dahil solo number niya at dalawang linya lamang ang kinanta niya. Pero narinig pa rin ito at nahalata ng mga manonood sa loob at labas ng istudyo.

Kailangan na talaga ng panahon pa sa rehearsal. Naging biktima na rin nito ang TNT Boys.

Maharlika, ‘di bagay sa mga ‘Pinoy

Kasabay ng relaunched ng Department of Tourism ng It’s More Fun in the Philippines campaign ang pahayag ni President Rodrigo Duterte ng pagtatangka nito na mapalitan ang pangalan ng Pilipinas ng Maharlika.

Gaano ba kadali ang magawa ito, at puwede bang mangyari ito sa kabila ng pagtutol ng lahat? Yes, mukha namang bukod sa nagbigay ng suhestiyon at mga kasama niya ay walang may gustong maging Maharlika tayo.

Sanay na tayong maging Pinoy, huwag na tayong gawing Maharlika. Tall order ‘yun para sa marami sa atin, hindi bagay sa atin,

Serye nina Angelica at Zanjoe, extended!

Na-extend ang Playhouse, ibig sabihin lang nagugustuhan na ng mga manonood ang tinatakbo ng kuwento ngayon, yung hindi na lang naka-sentro sa custody ng batang pinag-aagawan dahil may pera ito at dahil na rin sa pagmamahal ng dalawang taong pinag-iwanan sa kanya ng mga magulang niya.

Nag-level up na rin ang character nina Carlo Aquino at Isabelle Daza mula sa pagiging third wheels lamang. Magaling sina Maxine Magalona at Ivan Padilla.

Malaking tulong sila kina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo. Magandabng break din ito para sa DonKiss nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin.

vuukle comment

HEAVEN PERALEJO

MCCOY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with