^

Pang Movies

Pinay model na si Kelsey parang dyosa sa Bahamas

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pinay model na si Kelsey parang dyosa sa Bahamas
Kelsey

Star na ang turing kay Kelsey Merrit kahit nasa rookie class pa lang siya ng Sports Illustrated Swimsuit 2019.

Yup, pasok sa bagong listahan ng Sports Illustrated Swimsuit rookie ang Pinay Victoria Secret model.

At sa Bahamas siya nagso-shoot for SIS.

Kung sabagay, dyosang-dyosa naman kasi ang Pinay model na dyowa ng Olympic medalist na si Conor Dwyer.

“@kelseymerritt may be an #SISwim rookie, but her SNEAK PEEK from @larettahouston shows she’s already a STAR. Sneak peek from my #SISwim Rookie shoot!!!Can’t wait for the issue to come out in May!! The best team @si_swimsuit,” post ng nag-pictorial sa kanya sa Bahamas.

Lolit at Cristy balik-talk show!

Aarangkada na ngayong tanghali ang pinakabagong talk show, ang Take It… Per Minute!, ang isang oras na tsikahan with Manay Lolit Solis and Manay Cristy Fermin, 12:00 to 1:00 p.m. sa Pilipino Star Ngayon Facebook account.

Ito ang unang pagkakataon na nagsama ang dalawang reyna ng intriga sa telebisyon at kolumnista ng sister publication ng  Pang Masa (PM) na PSN.

“Sa pinakaunang pagkakataon nga mula nang ipanganak ang mga talk show ay ngayon lang kami magkakasama ni Manay Lolit sa isang programang tatalakay sa maiinit na kaganapan sa showbiz.

“Palagi kaming magkalaban sa oras, nasa GMA-7 siya at kami nama’y nasa ABS-CBN, ngayon lang talaga kami magkakapit-bisig para itawid sa publiko ang mga latest na kuwento tungkol sa mga artista.

“Hindi uso sa amin ni Manay Lolit ang pagtatago ng alas, kung ano ang totoo ay ‘yun ang sinasabi-sinusulat namin, batu-bato na lang sa langit at ang tatamaan ay siguradong mabubukulan,” pahayag ni Nay Cristy.

“ Kaya nga. Bongga! Panoorin n’yo na. Marami kaming nakahandang tsismis noh. Hahaha. Or else kayo ang itsitsismis namin.

“Isang oras lang naman ito, every Tuesday, magtiyaga na kayo manood para makarinig kayo ng tsismis na bago at hindi fake news. Hahaha! Alam n’yo naman ako, senior millennial - may Instagram, may online show pa, bongga!

At siyempre may column kami sa no. 1 at most awarded tabloid, ang Pilipino Star NGAYON. Hahaha!,” sabi naman ni Nay Lolit.

Kaya watch na kayo. Mga pasabog at walang uurungan ang mga reyna ng intriga sa Take It…Per Minute.

Matagal na ring nawala ang talk show sa TV kaya maraming nagbabantay sa kanilang pagbalik.

vuukle comment

KELSEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with